^

Pang Movies

Maine nagpapagawa ng bagong bahay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maine nagpapagawa ng bagong bahay
Maine Mendoza

Nag-e-enjoy sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa trip nila sa Taiwan. Ang nakita namin sa IG Story ni Arjo ay isang lugar sa Taiwan na parang food stalls. May pinost din itong kumukulong food.

Pero, panalo ang caption ni Arjo na “My reason for being. Happy birthday to my main” na kinakiligan ng kanilang shippers.

Anyway, sa IG story ni Maine kung saan pinost ni Maine ang mga bumati sa kanya, isa si Cristine Babao sa bumati sa kanya. May nabanggit si Cristine na “may future neighbour.” Ibig bang sabihin nito, malapit sa bahay nina Cristine at Julius Babao ang sabi, ipinapagawang bahay ni Maine?

Inaabangan na pala ang pagbabalik nina Maine at Arjo from Taiwan.

Alden at Maine obvious na ang awkwardness

Next week na pala ang alis ng Dabarkads ng Eat...Bulaga for Holy Land para sa Holy Week treat sa kanila ni Mr. Tony Tuviera ng TAPE Inc. Sasama si Alden Richards sa dabarkads at ang inaabangan ay kung sasama si Maine.

Sabagay, friends pa rin naman sina Alden at Maine at walang isyu kung magkasama sila sa biyahe ng mga Dabarkads. Ito’y kahit napapansin ng kanilang fans na may awkwardness sa dalawa at nahahalata ito kapag magkasama sila sa frame sa Eat Bulaga.

Nahalata rin ang awkwardness sina Alden at Maine sa Artist Kapuso Tambayan, kung saan, kasama sina Oyo Sotto at Kevin Santos, nag-promote sila ng Daddy’s Gurl. May mga nainis sa pakikitungo ni Maine kay Alden, kaya wish ng mga nainis, last na ang guesting na ‘yun ni Alden.

Sa Sabado na ang airing ng episode na guest si Alden at pinayapa si director Chris Martinez na kinakabahan siguro sa resulta ng airing ng episode sa rating at Twitter dahil nga sa blog ni Maine.

Kristoffer nagsalita sa engagement ng ex

May message naman pala si Kristoffer Martin, ang ex-ni Joyce Ching sa engagement ni Joyce sa fiancé niyang si Kevin Alimon. Hinanap kasi ang pangalan ni Kristoffer sa mga kasama ni Joyce sa Tweenhearts na nag-congratulate sa engagement ng aktres, pero si Kristoffer, deadma.

Nakausap si Kristoffer ni Lito Mañago sa 20th anniversary ng St. Anne Power Academy sa Marilao noong Februay 26, natanong si Kristoffer sa engagement ng ex.

“Masaya ako for her at sa magiging husband niya. Wala naman akong ibang pwedeng sabihin. I just wish both of them good luck. Sana maging successful ang kanilang married life,” wika ni Kristoffer.

Nagkaroon ng relasyon ang dalawa noong nasa Tweenhearts sila, pero nag-break noong 2013. Kwento ni Joyce sa mga reporter sa presscon ng Dragon Lady, si Kristoffer ang nakipag-break sa kanya. Pero after makapag-move on, naging friends uli sila at nagkakasama sa shows ng GMA 7.

Direk Mikhail natupad ang pangarap sa Eerie

Nag-post si director Mikhail Red ng picture niya katabi ang standee ng pelikula niyang Eerie under Star Cinema.“#Eerie standee is now being displayed at the Star Cinema lobby! Really proud that my first movie with #StarCinema is also an International co-production and the catalyst for a six picture deal between PH and SG. It has always been my dream as a filmmaker to make Filipino stories for export and share it with a global audience. I hope people here and abroad enjoy #Eerie and I hope it makes a positive impact in our growing film industry.”

Sa March 27, ang showing ng Eerie sabay ng showing sa Singapore, Malaysia, Cambodia, Brunei, Myanmar, Vietnam at iba pang bansa sa Asia.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with