^

Pang Movies

Aktres na may pino-promote na pelikula, nasobrahan ng arte

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sa halip na kiligin, na-turn off ang shippers sa isang aktres dahil sumobra ang pag-arte nito na kunwari ay kinikilig siya sa kanyang ka-love team. Ang OA raw ng aktres sa eksenang kailangan niyang kiligin habang katabi at kadikit ang ka-love team dahil acting na nga, inarte pa niya ng husto, kaya OA ang dating.

Hindi rin naman kasalanan ng aktres na sumobra ang acting dahil may pinu-promote silang project ng ka-love team at kailangang maniwala ng tao na okay pa rin sila kahit hindi na sila.

May iba na kasing minamahal ang aktres at ang aktor naman ay single mula nang mag-break sila ng aktres.

Sharon balik social media!

Balik social media na si Sharon Cuneta dahil nag-post na siya sa Instagram (IG) kahapon. Hindi ka bash-bash ang post ni Mega, kaya sana naman, hindi siya i-bash na walang magawa kundi mang-inis at mang-away ng celebrities.

Bumalik sa IG si Sharon para ibalitang almost sold out ang mga show niya sa US and Canada.

Matagal nagpahinga sa social media si Sharon at nakatulong ‘yun para iwas stress siya at magkaroon ng peaceful life. Nakakabalita lang ang fans ni Sharon kay KC Concepcion na nagpo-post sa activities ng mom niya at kay John Arcilla na kasama ni Sharon sa Reality Entertainment Films na Kwaresma.

Rayver at Janine hindi na naghihiwalay!

Hala, parang hindi na naghihiwalay sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez dahil mula nang magtapos ang taping ni Rayver ng Asawa Ko, Karibal Ko panay ang sightings sa kanila ni Janine. Mula sa pagbisita sa dental clinic hanggang sa pakikipagkita ni Janine sa prosthetics team ng GMA Network para sa Dragon Lady, magkasama pa rin ang dalawa.

Masaya ang fans ng dalawa, at the same time, nalulungkot na hindi pa rin puwedeng magkasama sa teleserye sina Janine at Rayver. Katatapos lang kasi ng soap ni Rayver at ang Dragon Lady nina Janine at Tom Rodriguez, sa March 4, na ang pilot.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with