^

Pang Movies

Nadine Lustre isinabay ang pagbebenta ng make up sa promo ng bagong pelikula!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Nadine Lustre isinabay ang pagbebenta ng make up sa promo ng bagong pelikula!
JaDine

Hindi magkamayaw ang fans ni Nadine Lustre sa showing ng pelikula nitong Ulan with Carlo Aquino. Thankful naman si Carlo dahil tanggap siya ng fans ng JaDine kaya hindi siya naba-bash ng mga ito.

Samantala, hindi naman pinalampas ni Nadine ang pagkakataon para i-promote ang kanyang Lustrous cosmetics. Isinabay niya ito sa presscon ng pelikula nila ni Carlo.

Bukod sa pelikula niyang Ulan, naglabas din sila ng kanyang boyfriend na si James Reid ng bagong kanta, ang Summer, na ini-release ng Careless Music Manila na mismong pagmamay-ari nina James at Bret Jackson.

Kakaiba ang music video ng nasabing kanta na umabot na sa mahigit 1 million ang views. Masasabi ngang nag-matured na talaga ang JaDine dahil dito.

Pagkatapos ng pelikula ni Nadine with Carlo at Marco Gumabao, sasabak siyang muli sa isa pang pelikula kung saan ang makakatambal naman niya si Sam Concepcion. Indak ang title ng kanilang pelikulang pagsasamahan. Ayon sa kanila, punung-puno raw ito ng sayawan at medyo marami-rami silang love scenes, pero wala namang sama ng loob dito si James dahil tiwala siya kay Nadine.

Matagal-tagal nang hindi napapanood ang magkasintahan sa TV at pelikula, pero sa gagawing pelikula ni James na Pedro Penduko, katambal niya nang muli si Nadine na nagaganap naman bilang si Maria Makiling.

vuukle comment

CARLO AQUINO

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with