^

Pang Movies

Sarah sariling-sarili na raw ang kita!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sarah sariling-sarili na raw ang kita!

More than a million ang monthly listeners ni Sarah Geronimo sa Spotify. Kaya naman nagbubunyi ang kanyang fans at todo share sa Twitter.

 

May mga singer kasing nasa Spotify pero doon mo makikita na wala sa kanilang nakikinig.

Anyway, nadagdagan na naman ang endorsements ni Sarah. May isang teaser na lumabas na pahulaan pa kung sino ba talaga ang isang magandang babae na kumakain ng tinapay. Pero mabilis nahulaan  ng kanyang followers na si Sarah pala ‘yun.

Siya rin uli ang endorser ni Senador Sonny Angara at kumanta ng mga political jingle ng reelectionist na senador.

Wala pa ring patid ang endorsement ng pop princess na sabi ay siya na mismo ang namamahala ng kanyang mga kinikita sa trabaho.

Yup, solong-solo na raw nito ang kita niya ngayon.

Anak ni Andi nasa tatay muna

Seventeen weeks preggy na pala si Andi Eigenmann.

Sa kanyang post kahapon, nagtatampisaw siya dahil wala na raw siyang morning sickness. “Finally over morning sickness period. (hope its permanent this time!) right when the sun has consistently come out on the island. Time to enjoy the morning sun and the ocean with our little pear. Now @chepoxz is happy because we can get out of bed early again. Wahaha #17weeks,” sabi ng inactive actress.

Nasa tatay naman niyang si Jake Ejercito ang panganay niyang anak na si Ellie na ang laki na pala. Makikita sa IG post ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada na namasyal sila sa Hong Kong Disneyland. Short hair ang bagets na naging boyish looking pero super ganda pa rin.

 

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with