^

Pang Movies

Anne nalait-lait sa pakikisawsaw na ibaba ang edad ng mga kakasuhan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anne nalait-lait sa pakikisawsaw na ibaba ang edad ng mga kakasuhan
Anne Curtis

Kung kailan may ilalabas na pelikula si Anne Curtis at saka pa siya napasok na naman sa panibagong controversy. Mabilis kasi siyang nag-react sa panukalang ibaba ang age of criminal liability nang siguro naman ay hindi pa niya nababasa ang kabuuan ng panukalang batas. Maaari rin namang may nag-feed lang kay Anne ng kanyang naisagot na iyon.

Kaya kung kami ang tatanungin, hindi totally dapat na bina-bash si Anne dahil sa kanyang sagot. Kung iisipin mo nga mas maraming mga abugado na mabilis ding nag-react nang hindi pa nababasa ang batas. Nakarinig lang sila sa mga pulitiko ng oposisyon na natural kontra agad hindi pa man nila naririnig kung ano ang iminumungkahi ng bagong batas.

Doon naman sa bagong batas, walang sinasabing ang mga bata ay ikukulong. At sinasabi rin namang hindi sila tatawaging kriminal o magkakaroon ng criminal records na maaaring makaapekto sa kanilang buhay sa hinaharap. Maliwanag na ang layunin lang ay maituwid sila.

Nagsimula naman iyan dahil sa maraming krimeng ginagawa ng mga kabataan na walang takot dahil hindi sila maaaring kasuhan sa ilalim ng umiiral na Pangilinan law.

Ang resulta, si Anne Curtis ngayon ang binabanatan ng mga netizen dahil sa kanyang sinabi. Mayroon pang sinasabing masamang salita laban sa kanya na kung iisipin mo foul na masyado. Nadadamay pa pati ang propesyon niya dahil may nagsasabing “artista lang iyan at walang alam”.

Palagay namin dapat marinig muna nila si Anne sa isang tamang forum. Huwag muna siyang husgahan at sabihan nang kung anu-ano. Sayang iyang si Anne eh. May panahong malaking star na sana siya eh, nagkamali lang ng mga projects, sunud-sunod na balibag. Kung gaganyanin pa, baka hindi na makabangon iyan.

Tony malakas ang backer?!

Alam ba ninyo kung gaano kahirap para sa isang Pilipino na makakuha ng working visa sa US? Ngayon sinuspinde pa nila ang pagpapalabas ng H2B visa, ‘yan iyong visa na ipinagkakaloob sa isang temporary worker na hindi kabilang sa agricultural industry. Ibig sabihin apektado halos lahat ng ating OFWs dahil marami raw umabuso at over staying.

Pero dito sa atin, napakadaling kumuha ng working visa. Nakita ninyo, may working permit na ngayon si Tony Labrusca, na nakipagtalo pa sa ating immigration officials ganoong hindi naman niya nalalaman ang batas. May rekumendasyon ang legal department ng Bureau of Immigrations na ipa-deport si Labrusca dahil sa paglabag sa batas, nagtrabaho siya rito nang walang working permit. Sinabi rin ng Secretary of Foreign Affairs na si Teddy Locsin na ipa-deport iyan.

Pero tingnan ninyo, mayroon na agad siyang working permit, at hindi kami magtataka kung makuha pa niya ang Filipino citizenship na hinihingi niya in no time at all, malakas daw kasi ang backers.

Ganoon na lang ba tayo? Bakit umaangal pa tayo sa dumadaming manggagawang Tsino, kung napakaluwag naman natin sa mga Kano? Hindi ba may mga artistang Pilipino na maagawan din ng trabaho niyang si Labrusca kung iisipin lang ninyo?

Male dancer, hardcore sa pangungutang

 “Hustler” kung tawagin ng isang gay TV host ang isang male TV dancer. Nangungutang daw iyon ng pera, na siyempre ay wala nang bayaran sa kahit na sinong “may interest sa kanya”.

“May style siya para malaman kung intersado ang tao sa kanya, tapos uutangan na niya nang uutangan nang walang bayaran”.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with