^

Pang Movies

Lovi sa Amerika na titira?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

May mga fan ni Lovi Poe ang nagtatanong kung magtatagal pa raw ba sa Los Angeles, California ang sexy actress/singer?

 

Noong una kasi, nasa L.A. siya, ‘tapos nagpunta ng New York at balik-L.A. na naman.

Ang alam ko, medyo magtatagal si Lovi sa L.A., the latest I heard, may balak siyang kumuha ng acting lesson, pero hindi lang ako sure kung gaano katagal ‘yon.

Hindi ko naman mausisa ang mga malapit kay Lovi dahil ayaw daw ng dalaga na nasusulat ang mga plano niya.

Mas gusto raw ni Lovi na tahimik lang muna sa mga ginagawa niya at pagbalik niya ng Pilipinas ay saka na lang daw siya magkukuwento.

Ang alam ko rin, wala namang problema sa GMA-7 management kung sakaling magtagal siya sa Amerika dahil nagpaalam naman daw siya ng maayos.

Actually, wala nga raw sagabal sa bakasyon ni Lovi sa Amerika dahil nga inayos na niya ‘yon sa Kapuso network noon pa man, kaya nga raw hindi muna nag-line-up ng new series for her.

Once na ready na raw bumalik ng bansa si Lovi ay saka naman maghahanda ng new series kanyang mother TV network for her.

Nilinaw nga pala ng isang nakausap ko na walang kinalaman sa hiwalayan nila ni Chris Johnson ang matagal-tagal na bakasyon ni Lovi sa Amerika!

Jasmine hindi pinatagal ang pamamahinga!

Alam mo, Ateng Salve, nakita ko ang pinost sa Facebook ng GMA-7 program manager na si Ms. Helen Rose Sese tungkol sa story conference ng new series nila na Sahaya na pagtatambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

At least, kahit parehong nali-link sa iba sina Bianca at Miguel, binigyan pa rin sila ng new series ng Kapuso network, huh!

Ang bago kaya nilang series ang magpalapit uli sa magka-love team?

Nakita ko rin si Jasmine Curtis Smith sa pictures na pinost ni Helen.

So, after Pamilya Roces, may next series na sa Siyete si Jasmine, huh!

At least, kahit hindi naka-one season talaga ang Pamilya Roces ay buo pa rin ang tiwala nila sa kapatid ni Anne Curtis at may next series siya kaagad!

Well..                                                                                                   

Janine hinihintay itambal kay Rayver!

Maraming mga fan ni Janine Gutierrez ang natuwa sa desisyon ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde na gawing February 6 ang playdate ng pelikulang Elise dahil mas maipo-promote pa ito.

Noong bago ako umalis pa-Los Angeles, California, naka-dinner ko si Mother Lily sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan, at ang Elise ang topic ng usapan namin.

Sobrang bilib ni Mother Lily kay Janine at gandang-ganda siya sa panganay ng ex-couple na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

Very positive rin si Mother Lily sa Elise, kaya nga raw ito ang napag­desisyunan nila ng anak niyang si Roselle Monteverde na gawing opening movie for 2019 ng kanilang film company.

When kaya sila magtatambal naman ng boyfriend niyang si Rayver?

Ay, umamin na ba sila? Pero kailangan pa bang aminin ang obvious na?

Well...‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with