^

Pang Movies

AiAi nakatanggap ng certificate sa laki ng na-donate

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi nakatanggap ng certificate sa laki ng na-donate

Ibinahagi ni AiAi de las Alas ang certificate ng Episcopal Blessing nila ni Vic Sotto bilang Church Pillar donor sa construction ng simbahan sa Kristong Hari sa Novaliches, Quezon City.

 

Ibinisto ni Ai na madalas niyang lapitan at lam­bingan ng donasyon. Ito ngang pagpapatayo ng simbahan ang isa sa malaking proyekto ng Comedy Queen.

Biro ni Ai sa caption niya, “More projects to us para madami tayong ma-donate yehey...”

Dingdong, Derek at Piolo nagpalakihan ng TF

Itsapuwera ang network war kina Dingdong Dantes, Derek Ramsay at Piolo Pascual para sa TV commercial ng brand ng doughnut.

Siyempre, malaking datung ang bayad sa kanilang tatlo kaya hindi na sila dapat magpadawit sa network war ng istasyong kinabibilangan nila, huh!

Sa TVC, si Dong ang bagong dagdag na aktor dahil nauna muna si Derek at sumunod si Piolo sa kanya.

Mabuti na lang, walang naglabasang tsismis sa shoot nila ng TVC hindi gaya nu’ng magsama-sama ang mga sikat na akor para sa commercial ng shampoo na panlalaki, huh!

Gandang tingnan nina Dong, Derek at Piolo sa TVC dahil walang tapon sa kanilang tatlo!

All of You... Netflix na rin!

Magandang buwena mano ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na isinalang sa Netflix ngayong January.

Aba, pasok din sa Netflix ang Jennylyn Mercado at Derek Ramsay movie na All of You.

Post ng producer na ssi Atty. Joji Alonso, “All of You is now streaming on Netflix!!! For all those who have yet to see it,” caption ni Atty. Joji.

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with