^

Pang Movies

Angeline nangakong ibibigay ang lahat sa ina

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Angeline nangakong ibibigay ang lahat sa ina

Ang singer na si Angeline Quinto at ang kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob ay taun-taong uma-attend sa Traslacion ng Itim na Nazareno.

 

Alam ni Angeline na isa lamang siyang ampon at wala na siyang iba pang hiling kung hindi ang humaba pa ang buhay ng kanyang mama.

Maliit pa raw siya noon pero natatandaan pa rin niya nang ampunin siya nito, kaya naman nangako siya na ibibigay niya ang lahat para rito.

Coco lola ang priority

More than a decade na palang deboto ng Itim na Nazareno si Coco Martin. Hindi pa raw siya sikat at kilala noon nang mag-umpisa siyang mamanata rito.

Nanalangin daw siya noon sa Poon na sana raw ay tulungan siya nitong mabigyan ng magandang trabaho, nang sa ganun ay matulungan din niya ang kanyang pamilya. Lalo na ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya. Kaya naman, bukod sa madalas siyang magsimba at nagsisimba sa Quiapo, open book din na sumasama sa Traslacion ng Nazareno si Coco.

And the rest is history.

Mother Lily suki ni Bong noon sa kulungan

Kahit na abala sa kanyang commitments at pagiging asawa kay Antipolo Mayor Jun Ynares at nanay sa dalawa nilang anak, sinamahan pa rin ni Andeng Ynares ang kanyang kapatid na si former Senator Bong Revilla sa ginanap nitong lunch para sa mga entertainment press na si Mother Lily Monteverde mismo ang nag-organized noong Wednesday.

It was her chance na rin daw to personally thank Mother Lily for her kindness to her brother, paliwanag ni Andeng.

Ayon pa sa kanya, madalas daw bumisita noon si Mother Lily sa kanyang kuya noong ito’y nakakulong pa.

Present din sa nasabing event si Manay Ichu Maceda na isa rin sa pinagpipitagang leader ng pelikulang Pilipino.

Sa kanyang speech tungkol kay Bong, Ichu gratefully acknowledged lahat nang naitulong ng huli sa local film industry at  maraming maitutulong pa nito ngayong ‘back to where he belongs’ na ito. Iyon nga lamang, bago siya sumabak muli sa paggawa ng pelikula, kailangan muna niyang unahin ang kanyang pagtakbo sa darating na May 2019 elections, dahilan para maokupa ang mga oras niya sa pangangampanya.

In recent surveys of the probable senatorial winners, The Pulse Asia, in particular, pang-pito si Bong.

Well good luck, Bong.

Tirso game makipag-reunion kay Nora

Mukhang nasa panig din ni Tirso Cruz III ang suwerte, dahil sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival ay meron siyang dalawang entry kung saan pareho siyang gumanap ng importanteng roles. Ito ay ang The Rainbow’s Sunset ni Joel Lamangan at Jack Em Popoy: The Puliscredibles ni Mike Tuviera.

Nasa event din ni Bong si Tirso dahil alam naman nating lahat na si Bacoor Mayor Lani Mercado ay kanyang pamangkin.

Kasama niya sa Rainbow’s Sunset sina Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Aiko Melendez at marami pang iba, habang sa Jack Em Popoy naman ay sina Maine Mendoza, Vic Sotto, Coco Martin, Ryza Cenon at Arjo Atayde.

Right now, what is keeping him busy ay ang malapit nang mag-umpisang serye ng ABS-CBN, ang The General’s Daughter ni Angel Locsin, kung saan gumaganap siya bilang kontrabida kay Albert Martinez.

Asked if he would consider doing a reunion movie with his former ka-loveteam Nora Aunor, ang maliksing sagot ni Pip, “Why not? Kung maganda ang story, script at magaling ang direktor.”

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with