^

Pang Movies

Alden bina-bash sa ‘ugly look’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden bina-bash sa �ugly look�
Alden Richards

May bagong pamba-bash kay Alden Richards ang kanyang haters na kahit hindi supporter ng aktor, hindi sasang-ayon. Ang sabi ng bashers, pumapangit ang aktor habang nagma-mature at ang patunay nito ay ang latest photos ni Alden na naglalabasan.

Ang basehan ng bashers para sabihing puma­pangit si Alden ay dahil may goatee at slight bigote ito at tumaba pa raw. Pati pananamit ni Alden, pinuna dahil ibang-iba na raw sa dating Alden na nakilala nila.

Pero, karamihan sa fans ni Alden, gusto ang scruffy look ng aktor dahil lagi nga naman itong malinis tingnan, walang bigote, walang goatee, walang patilya at payat.

But as far as Alden is concerned, hindi niya problema ang “ugly look” na sinasabi ng kanyang bashers at haters. Nakita n’yo naman, hindi pa rin siya nag-aahit ng todo, pero ang pagtaba, ginawan na ng paraaan, balik workout na ang aktor.

Sabi pala nang nakausap naming taga-GMA Artist Center, siguradong may gagawing pelikula si Alden, hindi pa lang puwedeng sabihin. Madadalas din ang labas niya ng bansa dahil may mga concert siyang gagawin. Sigurado na ring may gagawing teleserye si Alden this year, hintayin na lang, ‘wag magmadali.

Edu at Luis proud sa kanilang ‘talent’

Nakakatawa ang convo nina Edu Manzano at anak na si Luis Manzano nang mag-guest si Edu sa I Can See Your Voice. Sabi nito, “so nice to share the stage with my son, Luis once again on TV. Can’t express how proud I am of you. Sino ang nag-akalang sa I Can See Your Voice pa? Nasa lahi talaga natin magagaling na singer. #LikeFatherLikeSon.”

Sumagot kasi si Luis ng “Medyo na lilinya lang tayo sa hosting daddyo pero alam naman natin na ang alas natin talaga ay singing” na sinagot ni Edu ng  “SINABI MO!!!” kaya natawa ang mga nakabasa

Anyway, emo si Edu sa mga nauna n­iyang post dahil bumalik na sa ibang bansa ang mga anak niyang sina Addie at Enzo. Kaya ang hashtag nito ay #saddayfordaddy.

Benjamin at Julie Anne nagkalimutan na!

Nababasa na namin ang pangalan ni Benjamin Alves na nagla-like sa post ni Lovi Poe at hindi ito nakakagulat. Balik na siya sa social media at good friends naman sila ni Lovi dahil maraming projects silang pinagsamahan, lalo na sa pelikula.

Pati sa Instagram (IG), balik na rin si Benjamin, pero puro pictures pa lang niya ang naka-post. Hindi lang makapag-comment ang followers ng Kapuso actor dahil naka-disable ang comment box nito.

hindi pa rin siya nagla-like at nagko-comment sa posts ni Julie Anne. Mukhang matagal ang ipaghihintay ng mga nag-aabang to see his name again sa IG ni Julie dahil parang kinalimutan na nila talaga ang isa’t isa.

Mark excited kay David!

Sunud-sunod ang projects ni Mark Bautista at sa dami ng projects, hindi muna nito iisiping bumalik sa ibang bansa para makipagsapalaran dahil dito pa lang, busy na ang calendar niya.

Mauuna ang nagbabalik na Eto Na! Musikal nAPO! simula sa February sa Maybank Perfor-ming Arts Theater sa BGC. Susunod ang solo  concert niyang Chapters scheduled on March 1, sa New Frontier Theater.

Nagpa-excite rin kay Mark na kasama siya sa concert nina David Pomeranz at Melissa Manchester sa May 31, sa State Theater sa Sydney, A­ustralia.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with