^

Pang Movies

MMFF kinapos sa promo, umasa sa social media kaya semplang sa takilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakatawa naman iyong iba. Kaya raw naka­lamang ang mga pelikula nina Vice Ganda at pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin ay dahil sila ang nakakalamang sa promo, maging sa news cove­rage. Eh kasalanan ba nila iyon? Kailan ba naging kasalanan ng mga producer ng pelikula kung mag-promote sila ng pelikula nila?

Hindi ba talaga namang ang mga pelikula, hindi lamang dito sa ating bansa kung ‘di lalo na nga sa abroad ay ipino-promote at nagpapa-advertise? Ganoon din naman ang mga pelikulang Pilipino noong araw. Noon lang nagsimula na ang ibang producers na sakalin ang budget ng kanilang pelikula at saka nabago ang lahat. Hindi na sila nagpo-promote. Kung gawin man nila iyon, limitado lang. Umaasa sila sa mga blog at sa Facebook, dahil ang paniwala nila tama iyon, libre pa.

Iyon ang malaki nilang pagkakamali, umaasa sila sa Facebook. Mabuti hindi pa nakakahalata ang Facebook na nagagamit sila for commercial purposes, samantalang iyan ay social media lamang. Inilalabas sa Facebook ang ad layout ng pelikula at naka-announce pa roon kung saan-saang sinehan sila palabas. Kaso ilan lang naman ang nagbabasa ng Facebook, kaya magtataka pa ba kayo kung bakit kahit na laman kayo ng mga blog at Facebook flop pa rin ang pelikula ninyo?

Hindi ninyo dapat sisihin ang nagpapa-advertise, gusto nilang kumita eh. Siguro ang isa pang masasabi ninyo riyan, bakit naman iyong festival mismo hindi rin tumutulong sa promo ng mga pelikula? Noong araw, mayroong isang malaking ad ang festival mismo kung saan nakalagay ang lahat ng mga pelikula at inilalabas sa lahat halos ng diyaryo. Eh ngayon maski iyong festival mukhang sa Facebook na lang din naririnig. Wala ring magandang promo mismo eh, sino ang sisisihin ninyo?

Noong araw, basta malapit na ang festival, madalas mong mapanood sa TV ang members ng execom na nananawagang panoorin ang mga pelikula. Iyong mga artista rin, maya’t maya nasa TV at nananawagang panoorin hindi lang ang pelikula nila kung di lahat ng mga pelikula. Eh ngayon hanggang Facebook, Twitter at Instagram lang ang promong nalalaman nila. Eh di nganga sila.

First showbiz baby ng 2019!

First showbiz baby sa 2019 ang baby girl na si Summer Ayanna, na anak ni LJ Reyes kay Paolo Contis. Second baby na iyan ni LJ. Ang anak niyang panganay ay si Aki, na baby naman niya sa isa pang Paolo, si Paulo Avelino.

Si Summer ay third baby girl naman ni Paolo Contis, dahil may dalawang girl siya, sina Xalene at Xonia na anak naman niya sa dating asawang si Lian Paz.

Ipinanganak si Summer noong Biyernes, Enero 4 sa ganap na 4:56 ng hapon.

Enchong Dee ni-like si Greta

Matapos na magpahayag ng kanyang suporta ang aktres na si Gretchen Barretto sa financial expert na si Nicko Falcis, sumunod din naman ang male star na si Enchong Dee, na nagsabi pang kung hindi iyon gusto ng iba, i-unfollow na lang siya. Ibig sabihin iyon ang paniniwala niya at paninindigan niya. May iba pa rin daw yatang lilitaw at magpapahayag ng kanilang suporta kay Falcis.

Aba mukhang mas sumisikat pa si Falcis, at baka mas maraming kumuha sa kanyang financial adviser sa showbusiness dahil sa mga kinasangkutan niyang controversy.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with