^

Pang Movies

Dennis, na-hacked!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis, na-hacked!

Na-hack ang Twitter account ng isa sa bida ng Cain at Abel na si Dennis Trillo kaya nais ipaalam ng GMA network na ang recent tweets ng aktor ay hindi galing sa kanya.

 

Bagama’t hindi malinaw kung kailan na-hack ang account ni Dennis, may palagay din kaming ang hu­ling dalawang tweets niya ay hindi na sa kanya.

Isa rito ay ang sagot niya sa isang netizen na humihiling na sana’y magkasama sila ni former Sen. Bong Revilla sa isang pelikula.

“Bad idea” ang sagot ni Dennis na nakakagulat dahil knowing him, hindi niya ito sasabihin.

Last Thursday ang tweet na ito kaya may feeling kaming hacked na ang account ni Dennis that time.

Jose namatay sa pressure sa ginawang pelikula

Si Jose Manalo ang napili ni Sen. Tito Sotto na bigyan ng solo movie sa kanyang first venture sa movie production under his VST Productions.

Boy Tokwa: Lodi ng Gapo ang title ng movie directed by Tony Y. Reyes na showing na sa Jan. 8. 

Of course, proud and happy si Jose na binigyan siya ng ganito kalaking tiwala ni Tito Sen (tawag kay Sen. Tito).

Ani Jose sa presscon ng movie na ginanap last Thursday, matagal na raw sinabi ni Tito Sen sa kanya ang project na ito, mga 5 years ago na raw. At lagi nga raw siyang kinukulit ng Senador na gawin na nila ang proyekto.

When asked kung bakit siya at hindi si Wally Bayola or si Paolo Ballesteros, natawa rin siya at aniya, sabi raw ni Tito Sen ay bagay daw sa kanya ang role.

“Ayon daw doon sa kwento ni Tita Kitchie (Be­nedicto na siyang may concept ng project), bagay daw sa akin ‘yung role. Ako na ako raw ‘yun. Sigu­ro, ‘yung pagiging madadaldal ko,” sey ni Jose.

Hindi pa nga raw siya makapaniwala noong una na talagang matutuloy ito hanggang sa tumawag na sa kanya si direk Tony at sinabihan siyang magsu-shooting na. Doon lang siya naniwala na totoo na.

Pero bukod sa pagiging excited, aminado rin si Jose na malaki rin pressure on his part dahil siyempre, paano raw kung hindi kumita.

Dagdag nga niya, dito siya sa pelikulang ito nangangayayat dahil nga sa sobrang pressure.

“Hindi, nakaka-pressure talaga. Iniisip ko, sana magustuhan. Ginawa naman namin talaga lahat.”

Malaki nga rin daw talaga ang hirap nila habang sinu-shoot ito dahil umuulan parati at sa Olongapo pa nila ito kinunan.

Ang Boy Tokwa ay true-to-life story ni Rodrigo Morelos na binansagang Boy Tokwa. Isa siyang swindler pero itinutulong din daw nito sa iba ang mga perang nararaket sa mga foreigners.

 

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with