^

Pang Movies

Mga naninira sa MMFF movies di pa nakakapanood!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga naninira sa MMFF movies di pa nakakapanood!

Happy New Year!

For sure, puno na naman ang mga mall sa araw na ito at dadagsahin na naman mga manonood ang entries sa Metro Manila Film Festival 2018!

Siyempre, mapupuno ang mga sinehan ng mga pelikulang puwede at magugustuhan ng mga bata like Fantastica nina Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Jaclyn Jose, Bela Padilla at ng three Kapamilya love teams nina Maymay Entrata & Edward Barber, Kisses Delavin & Donny Pangilinan at Loisa Andalio & Ronnie Alonte.

Ang mga pelikulang katulad naman ng One Great Love ng Regal Entertainment ay asahang aariba kapag nag-resume na ang trabaho bukas (sa Thursday naman para sa government employees).

Ako nga, manonood pa lang ng One Great Love bukas dahil maganda nga ang feedback sa pelikula at sinasabi ring deserving si Dennis Trillo sa pagkapanalo niya ng best actor sa MMFF 2018 Awards Night.

Ang wish ko nga pala, sana tigilan na ang siraan at kung may mga pelikula na type n’yong mamayagpag sa takilya ay huwag puro ngawa lang at lumabas kayo, magpunta sa mga sinehan at bumili ng tickets at manood bilang totoong suporta ninyo sa mga pelikulang ipinagmamalaki ninyo.

Ang hirap kasi sa iba, grabe kung makapag-rave sa isang pelikula, pero hindi naman sila nanonood bilang suporta, ‘noh?!

Richard at Bea gamay na ang isa’t isa

Alam mo, Ateng Salve, excited na ako sa pagsasamahang primetime series nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo sa ABS-CBN.

Sa isang interview nga ni Bea ay sinabi niyang noon pa naman daw ay marami na ang nagre-request na magsama sila ni Richard sa isang project, kaya maging siya raw ay excited na simulan nila ang project na ‘yon ngayong January.

Ilang beses na ring nagkasama sa training para sa kanilang primetime series sina Richard at Bea at by the time na mag-first taping day na sila ay tiyak na gamay na nila ang isa’t isa.

Lovi magtatagal sa Amerika

Dahil 2019 na nga, aabangan ng lahat ang big announcement ng GMA-7 sa nalalapit na pagpirma ng kontrata sa kanila ni Derek Ramsay.

Aabangan din kung ano ang unang magiging project ni Derek bilang isang Kapuso actor!

Sino kaya ang ipapareha ng Siyete kay Derek?

Bagay sana na sila ni Lovi Poe ang magsama sa pelikula, pero balitang matagal na magbabakasyon sa Amerika ang sexy actress.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with