^

Pang Movies

Mga pelikulang hindi pinapanood ‘di na dapat ipilit!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga pelikulang hindi pinapanood �di na dapat ipilit!

Goodbye 2018. Hello 2019. Mamayang gabi na ‘yan, at napakaraming ginagawang countdown.

Maraming magagandang alaala at leksiyong iiwanan sa atin ang 2018, na siguro nga ay dapat namang maging panuntunan natin sa 2019 lalo na para sa mga gumagawa ng pelikula. Sana mapasok na sa isip ninyo na gumagawa kayo ng pelikula para sa publiko, at sana gawin ninyo kung anong pelikula ang gusto nilang mapanood, hindi iyong ididikta kung ano ang gusto ninyong ipakita tapos aangal kayo kung hindi kayo pinanonood.

May nabanggit noong isang araw sa akin ang isa kong kaibigan. Sabi nga niya, magandang example ang basketball player na si Ricci Rivero. Sikat ang batang iyan noong naglalaro pa siya sa La Salle. Kinukuha sa mga commercial, ibig sabihin may hatak. Noong lumipat sa UP Maroons, aba sikat pa rin. Pero nag-artista, at ang ginawa niyang unang pelikula ay isa sa pinaka walang kinita sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival. Aba hindi ba mas mabuting basketball player na lang siya kasi doon nakaka-score siya? Unless may makuha siyang ibang movie project na kikita naman para makabawi siya.

Tingnan ninyo si Jessy Mendiola, mabi­lis na napansin noong magpa-sexy sa mga te­leserye niya. Pero hindi naman habang pa­nahon kakagatin siya sa ganoon. Siguro dis­mayado rin siya nang hindi kumita ang pelikula niya sa festival, butata pa sila sa awards. Siguro nga panahon na para mag-asawa na lang iyang si Jessy.

May nagkuwento sa amin, disappointed daw si Alex Gonzaga dahil hindi siya nanalo ng award. Sigurado, disappointed din ang kapatid niyang si Toni Gonzaga na umaasa ng box office returns. Iyan ang ­unang pelikulang magkasama silang magkapatid, at producer pa kasama pa ang asawa ni Toni na si Paul So­riano. Ang punto, wala pang pelikulang hit si Paul Soriano. Hindi kaya dapat pag-aralan muna niya ang film market bago sila sumabak sa isang pelikula?

Tungkol naman sa isang tatay na bakla ang pelikula ng batikang actor at director na si Eddie Garcia. Hindi rin iyan ang unang pelikula ni Eddie Garcia na gumanap siyang bading. Ang pelikula nilang ‘yun ay nanalo ng 11 award, pero nawalan ng sinehan. Wala kasing nanonood. Pero ngayon naman daw ay nadagdagan na at medyo dumami ang mga nanonood. Hindi na tayo dapat magtaka. Gaano karami ba ang mga bakla sa Pilipinas na maaaring magka-interest sa pelikulang iyan kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng mga bading? At saka ang mga bading, gusto ring matawa kaya ang pinanood nila ay hindi iyong artistang gumaganap bilang bading, kung ‘di iyong tunay na bading, si Vice Ganda. “Umaarteng bading lang iyan eh, iyong pinanood ko certified na kafatid,”sabi pa ng isang bading sa amin. Ano ang ikakatuwiran mo roon?

Kino-comfort na lang daw ni ­Xian Lim ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu, na disappointed din dahil butata na sa award, hindi pa kumita ang pelikula. Dapat talagang payuhan talaga ni Xian si Kim na talagang ganyan lang ang buhay. Alam naman siguro niya from the start na bumabangga siya sa pader. May nagsabi ba sa kanya na tatalunin niya ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin at Vic Sotto? May nagsabi ba sa kanya na kaya niyang talunin ang acting ni Gloria Romero? Kung wala namang nagsabi nang ganoon sa kanya, huwag na siyang ma-disappoint.

Tingnan na lang niya si Xian Lim mismo, nasama sa isang flop na pelikula noong Pebrero nitong taong ito, tapos naisama kay Sarah Geronimo, nakabawi siya ng kanyang dignidad. Baka naman sakali na ganyan din ang mangyari kay Kim Chiu. Ano ang malay ninyo kung makakuha siya ng mas magandang project at maitambal sa isang leading man na may box office potentials naman, ‘di makakabawi siya.

Lastly New Year na ngayon. Bawal na ang “mag-ampalaya”.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with