^

Pang Movies

Fantastica kukulangin ng mga sinehan

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Fantastica kukulangin ng mga sinehan

Alam mo, Ateng Salve, it’s a working Christmas day for me yesterday dahil nag-cover ako ng theater visit ng Fantastica cast sa SM MOA.

Wala pang 11:00AM ay nasa SM MOA na ako kahit na 12:50PM pa ang second screening kung saan ay manonood ang cast headed by Vice Ganda, Ri­chard Gutierrez, Dingdong Dantes at iba pa.

Nag-check muna ako sa box-office kung marami na ba ang nanood sa first screening at sold out nga raw ‘yon.

Sabi ng takilyera, 5th screening na raw ang tickets na ibinebenta nila at almost sold out na rin ‘yon.

Nang bandang 12:30PM na, nakausap ko ang isang supervisor ng SM MOA Cinema at pati raw ang 11:10PM screening ay sold out na rin ang tickets, kaya nagdagdag na raw sila ng isa pang screening na past 1:00AM na, huh!

Anyway, masayang-masaya si Vice na in-announce na tinext nga raw siya ng mga taga-Star Cinema na sobrang lakas ng Fantastica. For sure, madadagdagan kaagad ng mga sinehan ang Metro Manila Film Fetsival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films.

As of yesterday, almost 200 theaters pala sila, pero kulang na kulang ‘yon sa lakas ng pelikula.

Marian, Sarah at Zion all out ang support

Kung si Vice ay mga kaibigan ang kasamang dumating sa screening ng Fantastica, si Richard naman ay suportado ng kanyang pamilya.

Kasama niyang dumating sa SM MOA si Sarah Lahbati pati ang mga anak na sina Zion at Baby Kai.

Siyempre, hanggang sa sasakyan lang si Baby Kai dahil bawal pa itong manood at nine months old pa lang kasi ang bata.

Dumating din doon para sumuporta kay Richard ang ate niyang si Ruffa Gutierrez kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice, pati ang nephew na si David (anak ni Rocky), ang nanay nilang si Annabelle Rama at twin-brother na si Raymond Gutierrez.

Si Esther Lahbati, kasamang dumating ang mister niyang si Abdel at kahit naka-cane siya ay okey lang daw kasi gusto nilang mapanood ang Fantastica.

Tinanong ko si Tito Abdel kung paano niyang maiintindihan ang Fantastica dahil Tagalog ‘yon, pero sinabing ang misis niya ang magta-translate para sa kanya.

Pagkatapos ng screening, masayang-masaya ang Gutierrez family (pati ang mga Lahbati) at sobra raw nakakatawa ang pelikula.

Si Dingdong nga pala ay kasamang dumating ang misis niya na si Marian Rivera na malaki na ang tiyan.

Nakita ko rin sa screening na ‘yon si Loisa Andalio (nasaan kaya ang boyfriend niyang si Ronnie Alonte?), Donny Pangilinan (na sinamahan ng tatay na si Anthony Pangilinan) na hindi ko nakita ang ka-love team na si Kisses Delavin, ang MayWard love team naman nina Maymay Entrata at Edward Barber ay parehong nandoroon.

Natuwa nga pala ang mga nanood ng Fantastica dahil maraming guest stars including Marian, Sarah and Zion na ang cute-cute sa pelikula, huh!

Kung ano ang ginawa ng mga artistang nag-guest sa Fantastica ay dapat abangan kapag nanood na kayo ng pelikulang ito na sinasabing nangunguna sa box-office!

Raymond pinuntahan din si Anne

Nangako si Raymond kay Richard na manonood ng Fantastica at tinupad niya ‘yon.

At dahil may MMFF 2018 movie entry rin ang kaibigan niyang si Anne Curtis, ang Aurora, nanood din kahapon si Raymond ng pelikulang ‘yon.

“I have to watch Aurora because of Anne!” sabi ni Raymond sa nanay niya dahil hindi siya nakasama sa pagpunta nila kahapon sa Tagaytay.

From MOA Arena nga, umuwi lang si Raymond at dumeretso na sa Power Plant Mall para panoorin ang Aurora.

Ilang pelikulang mahihina, alam na

May mga pelikulang kasali sa MMFF 2018 ang obvious na mahina.

Alam na alam na kung anu-anong pelikula ang mababawasan ng mga sinehan,

Ayoko nang banggitin ang mga mahihinang pelikula para naman hindi mawalan ng gana ang moviegoers at malay natin, baka naman tangkilikin din nila ‘yon, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with