^

Pang Movies

Gerald niregaluhan ng santambak na alahas ang nanay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gerald niregaluhan ng santambak na alahas ang nanay!

Nakalagay sa isang mesa

Ipinakita ni Gerald Anderson ang pagiging mabait at sweet na anak nang regaluhan niya ang kanyang ina ng sandamakmak na jewelry ngayong Pasko.

Kaaliw ang video na ipinost ni Gerald kung saan ay makikitang tila pinalabas niya ng kuwarto ang mommy niya at sinabing “Ma, bilis, may magnanakaw!”

Nang lumabas ang nanay niya, sa isang mesa ay may nakahandang katakut-takot na alahas.

Namangha ang ina niya nang makita ang mga alahas na iba’t ibang klase at katuwa ang tanong niyang, “is that real?”

Sa bandang hulihan ng video ay makikitang isi­nuot ng ina ang isang singsing at napatili ito sa tuwa.

Sa caption ng vid, pahayag ni Gerald, “(read first) Matagal nagre-request mama ko ng customized jewelery .. meron siyang style na gusto talaga niya mula nung bata pa lang kami .. pero di namin afford nung bata pa ako .. So sinuprise ko siya,ginicing ko siya sa kwarto niya sumigaw ako na my pumasok na mgnanakawa sa bahay para lumabas siya agad  .. suprise  Just giving back for the 9 months Dala dala niya ako sa tiyan niya  .. #Dearmama.”

Katakut-takot na pagpuri naman ang natanggap ng aktor mula sa netizens sa pagiging isang mapagmahal at thoughtful na anak.

Komento ng marami, kung mabait na anak daw si Gerald ay tiyak na magiging mabuti rin itong asawa. May nagtanong din kung ano naman daw kaya ang gift nito sa rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

Alfred pinakilala ang bagong anak!

Merry talaga ang Christmas ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas and wife, Yasmine dahil last Dec. 22 ay isinilang na ang kanilang pangatlong anak na pinangalanan nilang Alfredo Cristiano E. Vargas IV.

Ipinost ni Cong. Alfred sa kanyang Instagram account ang larawan ng sanggol na kasisilang lang at sa caption ay makikita ang labis na tuwa sa aktor/politiko.

“Hi everyone. I have the honor of introducing to you, for the first time, my son, ALFREDO CRISTIANO E. VARGAS IV. Thank you for all your messages of love and support! They truly kept us strong throughout this journey, especially

“Thank you for your prayers. They worked! God is indeed great!  Merry Christmas and a Blessed New Year to all!” ang caption ni Alfred.

May dalawa nang pagkaganda-gandang anak na babae sina Alfred at Yasmine – sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra.

Kris lutang sa drama

Wala talaga kaming masabi sa Asawa Ko, Karibal Ko. Dahil kasi sa magandang istorya nito at sa impressive acting ng mga bidang sina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz, hindi na nakakapagtakang palaging wagi sa TV ratings ang serye.

Balita nga namin ay namayagpag ito last week. Ayon sa ilang comments na nababasa namin online, hindi lang basta drama ang ibinibigay ng GMA Afternoon Prime soap na ito dahil sinisigurado nila na makaka-relate ang lahat ng mano­nood.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with