^

Pang Movies

Aljur at Kylie kasal na

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Aljur at Kylie kasal na

Wala pang masyadong detalye, pero ganap nang mag-asawa sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

 

Kinasal sila sa pamamagitan ng isang Christian ceremony sa Montalban, Rizal.

Ang tatay ni Mrs. Abrenica ngayon na si Robin Padilla ang nag-share sa kanyang Facebook account ng seremonyas.

Ang mga make up artist ay nag-upload din ng photos ng ikinasal.

Naging pahulaan ang petsa ng kasal nila at ‘yun pala, kahapon na pala.

Ang simple at ang payat ni Kylie sa suot niyang off shoulder gown.

Shopping outfit Heart nag-viral!

Pak na pak ang grocery oufit ni Heart Evangelista na ini-upload niya sa social media.

Wow, wala naman kasi sa hitsura niya na maggo-gorocery lang siya. Parang magpi-pictorial lang ang peg ng outfit na gawa ng sikat na designer na si Martin Bautista.

Kaya naman super viral ito hanggang kahapon.

Grabe baka ito na ang ma­ging trend ng mga gustong mag-grocery, parang a-aura lang sa bar o magpi-pictorial.

Eh ang sabi ni Heart, corned beef lang ang bibilhin niya.

Actually, ilang days na itong nagkalat sa social media.

Kung sabagay, isa si Heart sa binabantayan bawat isuot lalo na ng mga young professional at college students.

Ayon nga sa isang source, ang lakas daw ng #LMxKamiseta, ang fashion collaboration niya with Kamiseta store kung saan printed ang kanyang paintings.

Ang lakas din daw ng ini-endorse niyang bagong make up ng kanyang kaibigan na stylist.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with