^

Pang Movies

Pinaka-kontrobersyal na iskandalo noong ipanganak ang Pang Masa‘panghahawa’ ng STD ni Joey, malaking isyu

Ruel Mendoza - Pang-masa
Pinaka-kontrobersyal na iskandalo noong ipanganak ang Pang Masa�panghahawa� ng STD ni Joey, malaking isyu

MANILA, Philippines — ‘Kay bilis ng panahon at 15 years old na pala ang isa sa paborito ninyong binabasang tabloid na PM (Pang-Masa).

 

Naging saksi ang PM sa iba’t ibang showbiz scandals, expose at kasama na roon ang mga positibo at pang-good vibes na balita.

Pero natatandaan n’yo pa ba ang mga naging showbiz news noong taong ipinanganak ang PM?

Heto at balikan natin ilang maintrigang showbiz news from 15 years ago (2003) at ano na ba ang mga nangyari sa kanila...

Ang biggest showbiz issue ng taong 2003 ay ang pagsiwalat sa publiko ni Kris Aquino na hinawaan siya ng STD or sexually transmitted disease ng karelasyon niya that time na si Joey Marquez.

Nag-ugat ito sa pagiging selosa diumano ni Kris at nauwi sa isang hindi magandang pisikal na pagtatalo ang dalawa. Ang ending, naghiwalay sila at sabay pa-interview ni Kris sa media na hinawaan siya ng STD ni Joey.

Ipinagkaila ni Joey na meron siyang STD sa isang interview. Dagdag pa ni Kris na tinutukan daw siya ng baril ni Joey.

That time rin ay nasa plano ni Joey na tumakbo bilang congressman ng Pa­rañaque City. Nabahiran ng dumi ang kanyang pagkatao dahil sa mga sinabi ni Kris sa media. Kaya walang partido na gustong kumuha pa kay Joey.

15 years after, muling nag-iingay si Kris dahil sa ninakaw daw na milyones ng kanyang ka-partner sa business niya. Pero ayon sa kampo ng lalakeng dinemanda niya, wala itong ninakaw at nakatanggap pa sila ng death threats mula kay Kris.

Samantalang si Joey ay mas busy na ngayon sa paglabas sa TV at pelikula. Matagal na niyang tinalikuran ang politics dahil tutok din siya sa dalawang anak niyang aktibo sa showbiz na sina Winwyn Marquez (na nanalong Reina Hispanoamericana 2017) at Vito Marquez na member ng Hashtag.

Da King napilit lang sa pulitika?!

Year 2003 nang isiwalat noon ng Da King of Philippine Cinema Fernando Poe, Jr. na hindi siya tatakbo bilang presidente ng Pilipinas. Ayon kay Da King ay mas marami pa raw siyang puwedeng gawin para matulungan ang marami at hindi iyon sa pamamagitan ng pagpasok sa pulitika. Wala raw siyang political ambition.

Napilit din si FPJ na tumakbo para sa 2004 presidential election kung saan nakalaban niya si President Gloria Macapagal-Arroyo. Natalo si FPJ at noong December 14, 2004 ay pumanaw ito sa edad na 65 dahil sa sakit na cerebral thrombosis with multiple organ failure. Nagluksa ang buong showbiz sa pagkawala nang nag-iisang hari ng Pelikulang Pilipino.

Tumakbo at nagwaging senator ang anak ni FPJ na si Mary Grace Poe-Llamanzares noong 2013. Tumakbo rin itong bilang presidente noong 2016 pero natalo ito kay Rodrigo Duterte.

Love affair nina Ogie at Regine nahulaan na noon pa

Taong 2003 noong unang matsismis na may kakaibang pagtitinginan sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Marami ang nagbibigay ng malisya sa kanilang pag-duet sa TV at pati na ang naging kissing scene nila sa pelikulang Captain Barbell. Pero dini-dismiss ng dalawa ang mga tsismis dahil alam ng lahat na kasal si Ogie sa former Miss Australia na si Michelle Van Eimeren kung kanino meron siyang dalawang anak na babae.

15 years after, kinasal noong 2010 sina Ogie at Regine sa isang mountain resort in Nasugbu, Batangas. Taong 2007 noong maghiwalay sila Ogie at Michelle at na-grant ang annulment nilang dalawa noong 2009. May anak sila Ogie at Regine na si Nathaniel James o Nate.

Pareho nang nasa bakuran ng ABS-CBN ang dalawa pagkatapos ng ilang taon sa GMA-7.

Jackie mabigat ang naging kapalit sa annulment

Nakuha ni Jackie Forster ang annulment sa kasal nila ni Benjie Paras noong taong 2003. Pero ang kapalit ng paghihiwalay nila ay full custody kay Benjie ng anak nilang sina Andre at Kobe.

Na-link sa iba’t ibang lalake sa showbiz si Jackie hanggang sa makahanap ito ng lalakeng pakakasalan niya. Si Benjie naman ay nakahanap na rin ng babaeng magiging stepmother ng kanyang mga anak.

15 years after, mga celebrities na ang anak nila Benjie at Jackie. Isang leading man, comedian at heartthrob sa GMA-7 si Andre, samantalang sa sports na basketball ang specialty ni Kobe.

Ang maganda pa ay nagkaroon ng reconciliation ang dalawa sa kanilang estranged mom na ilang taong pinagdasal na makasama sila ulit at makilala nila ang kanilang half-siblings.

Inakalang fairytale, Ruffa at Yilmaz mabilis nawasak

Kinasal naman noong 2003 si Ruffa Gutierrez sa kanyang Turkish boyfriend na si Yilmaz Bektas na galing sa isang prominenteng pamilya sa Istanbul, Turkey. Naganap ang wedding sa noo’y sikat na NBC Tent sa The Fort with over 1,000 guests.

Dalawa ang naging anak nila Ruffa at Yilmaz na sina Lorin at Venice. Bilang misis ni Yilmaz, nag-goodbye sa showbiz pansamantala si Ruffa dahil sa Istanbul na siya titira.

15 years after, single parent na si Ruffa sa kanyang dalawang teenage girls. Na-annul ang kasal nila ni Yilmaz noong 2007 pagkatapos makaranas si Ruffa ng pisikal at emotional na pananakit mula kay Yilmaz. Aktibo pa rin sa paglabas sa TV at pelikula ang aktres.

Kinasal din noong 2003, Donita naranasang maging top female endorser

Kinasal din noong 2003 ang sumikat bilang VJ sa MTV Asia na si Donita Rose sa kanyang longtime boyfriend na si Eric Villarama. Nagkakilala ang dalawa sa Singapore through common friends.

Naging top female endorser sa Pilipinas noong taong iyon si Donita na pabalik-balik lang from Singapore to Manila para sa ilang commitments.

Naganap ang wedding ni Donita at Eric sa Santa Barbara, California. Nagkaroon sila ng isang anak na lalake named Joshua Paul.

15 years later, nag-divorce ang dalawa dahil ­ilang beses na nahuli ni Donita ang pambababae ni Eric. Naka-base na ngayon sa Pilipinas si Donita na paminsan-minsan ay lumalabas sa teleserye at may sarili siyang online cooking show.

Love triangle nina Aiko, Jomari at Ara bidang-bida sa throwback

Naging maingay ang talakan in print at sa TV nina Aiko Melendez at Ara Mina noong 2003 dahil sa iisang lalake, si Jomari Yllana.

Sa taong iyon ay na-annull na ang kasal ni Aiko kay Jomari. Sinisi ni Aiko ang pagkakasira ng pagsasama nila ni Jomari bilang mag-asawa kay Ara pagkatapos nitong mapanood ang interview nito sa pag-amin na may relasyon sila ni Jomari. Pero giit ni Ara, nagsimula raw manligaw sa kanya si Jomari pagkatapos nitong ma-annull kay Aiko.

15 years after, may kanya-kanyang buhay na sina Aiko, Ara at Jomari.

Si Aiko, na may anak kay Jomari at sa ex-boyfriend na si Martin Jickain ay karelasyon ngayon ang mayor ng Subic na si Jay Khonghun.

Si Ara naman ay nagkaroon ng anak sa naging ex-boyfriend ni Aiko na si Patrick Meneses.

Si Jomari naman, na nanalong city councilor sa Parañaque City in 2016, ay may sarili na ring pamilya. Ipinanganak noong nakaraang July 2018 ang kanyang bagong baby boy named Christiano at ang ina nito ay ang non-showbiz girlfriend niyang nagngangalang Joy Reyes.

Happy 15th anniversary PM!!!

vuukle comment

JOEY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with