^

Pang Movies

Daniela naging instant favorite ni Jose Mari!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Daniela naging instant favorite ni Jose Mari!
Rita

Special guest ni Jose Mari Chan sa kanyang Going Home to Christmas ang My Special Tatay bida/kontrabida na si Rita Daniela.

 

Masyadong na-promote sa presscon ng nasabing pre-Christmas show ni Jose Mari sa The Theater of Solaire ang My Special Tatay dahil kinanta ni Rita ang theme song ng nasabing GMA 7 afternoon series bago nagsimula ang Question & Answer segment ng nasabing presscon.

Nakipag-duet din si Rita kay Jose Mari, kaya naman ang bongga rin ng participation niya sa presscon ng Going Home to Christmas.

Ang namamahala ng production ng Going Home to Christmas ang co-mana­ger ng GMA Artists Center sa career ni Rita.

Tinanong ko nga pala si Rita kung susundin ba ng mga taga-My Special Tatay ang request ng avid viewers nila na gawing mabait ang character niya sa afternoon series na ‘yon at, “Abangan n’yo na lang!” ang sagot niya.

Richard sumige sa pictorial kahit under the weather

Ang pictorial kahapon nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Zion para sa isang glossy magazine.

Hindi muna isinama ng mag-lovey-dovey ang bunso nilang si Baby Kai dahil eight months pa lang ito.

Medyo masama ang pakiramdam ni Richard, pero su­mige pa rin siya.

Hindi naman puwedeng magpa-cancel siya ng pictorial dahil magiging busy na rin naman siya sa promotions ng Fantastica.

Mabuti na nga lang at ‘yung unang plano na mag-Cebu sila ngayon para sa isang mall show ay hindi muna itinuloy kaya puwedeng magpahinga muna today si Richard.

Alex at Paolo may natirang mga sinehan

Nakakatuwa na nasa mga sinehan pa rin ang Through Night and Day na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

Hindi man box-office hit ang pelikula katulad ng Kita Kita ni Alessandra with Empoy Marquez ay may staying power pa rin naman ito sa ilang mga sinehan dahil na rin sa magandang feedback na ang karamihan ng mga eksena ay kinunan pa sa Iceland.

Marami rin ang nagpapa-block screening sa Through Night and Day.

Nang makausap ko ang ate ni Alessandra, si Assunta de Rossi, tinanong ko siya kung magpapa-block screening din siya.

Concert ni Regine super sold out na

Ang sold-out show ngayon ng Regine at the Movies ni Regine Velasquez-Alcasid sa New Frontier Theater kung saan ay special guest niya si Sharon Cuneta.

May ilang nagpapabili sa akin ng tickets at pinatatanong si Cacai Velasquez-Mitra kung may puwede pang mabili, pero wala na talaga!

Certified sold-out nga raw talaga ang Regine at the Movies mamaya.

Pahirapan na rin ang pagbili ng tickets para sa show bukas kung saan si Daniel Padilla naman ang special guest ng Asia’s Songbird.

Bale additional show lang talaga ‘yung bukas at imposible na raw na magkaroon pa raw ng additio­nal night ang Regine at the Movies.

Sobrang saya ni Regine sa tagumpay ng concert series niyang ‘yon!

Sa tagumpay ng Regine at the Movies muna naka-concentrate ngayon si Regine at dedma na siya sa bashers!

 “Ang dami na kasing nagpapa-block screening, sabi naman ni Alex (palayaw ni Alessandra), hindi na raw kailangan. Nakakatuwa nga ang mga suporta sa Through Night and Day. Hindi rin pinababayaan ng Viva, kaya may mga sinehan pa rin naman,” sabi ni Assunta.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with