^

Pang Movies

Heart hindi na ipag-iingay ‘pag nabuntis!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart hindi na ipag-iingay �pag nabuntis!
Heart Evangelista

Ayon kay Heart Evangelista, kung dati raw ay iniiyakan niya ang bashers, ngayon ay sobrang okay na sa kanya na i-bash siya.

“You know before, siguro mga 2-3 years ago, iniiyakan ko ang bashers,” ani Heart nang makausap namin sa press launch ng LM (Love Marie) for Kamiseta last Tuesday, “but you know what, honestly, it’s tanggal-malas. Bash me more, God’s gonna bless me more.

“So, you know what? I’m actually okay that they bash me because there’s always instantly something good that will happen. As long as alam mong wala kang ginagawa (na masama), pero kung may ginagawa ka, walang darating na blessing.

“But ibig kong sabihin, if you’re heart is really good, I mean, pure, when it comes to all of that negativity, babalik talaga sa ‘yo ni Lord.

“So, you know what? It’s okay.”

Pero aminado siyang nung buntis siya ay ikinaloka niya rin talaga ang ibang bashers.

“Nun’g time na I was pregnant and I would get messages na ‘sana pag-ihi mo, sumama ‘yung anak mo’ ‘yun, medyo, ‘oh, wow.’

“So, if there’s anything that I learned from that, the next time I’m pregnant, nanganak na ako, doon ko na lang sasabihin,” sey ni Heart na natatawa.

“But other than that, it’s okay, kasi may kapalit ‘yun, eh,” ani Heart.

Taas-paa ni KC ginawang big deal

Ginawang big deal ng bashers ni KC Concepcion ang larawan nito habang nasa kotse at tinawag nilang “bukaka pose.”

Nag-post si KC ng larawan niya kung saan ay makikitang naka-shorts siya’t nakataas ang isang paa’t medyo napabukaka nga.

Ang daming pumuna sa dalaga dahil hindi raw lady-like ang pose nito gayung napaka-disente pa namang babae. Ang iba’y pinade-delete pa kay KC ang post dahil awkward daw at malaswa.

“Sorry to say... Ready to f...!!! Omg! U r a decent woman why like this now???!!! Sobrang Di bagay...” ang comment ng isang netizen.

“Pangit kasi nakabukaka sa picture. So sorry. I dont mean to be offensive,” anang isa.

Sey naman ng isa, “Is she really the ambassador of the UN World Food Program? Hmmm...”

At iba pang katakut-takot na negative comments.

In fairness, marami rin naman ang nagtanggol kay KC at nagkomentong normal naman daw ang magtaas ng paa sa car at sey ng maraming girls, ginagawa rin nila ‘yun.

Kami man ay walang makitang masama sa pose ni KC dahil wala namang nakitang hindi dapat ma­kita. Hindi rin ito nakabawas ng kadisentehan niya dahil nasa loob siya ng sarili niyang kotse’t wala sa isang formal event.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with