^

Pang Movies

Carla online seller na rin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla online seller na rin
Carla Abellana

Nagbebenta si Carla Abellana ng branded bags, shoes at blazer na ang tawag niya ay pre-owned. Naeengganyo ang mga gustong bumili dahil Prada, Gucci at Hermes bags at YSL shoes at Gigi Hadid blazer ang tinitinda ni Carla.

Katuwa lang ang sinabi nitong “DM me only if really interested and please no haggling since I priced them extremely low already.”

May nag-comment na parang ang karakter ni Carla sa Pamilya Roces na si Crystal Roces ang nag-post sa mga gamit niya na ibenebenta dahil istrikto at mataray ang dating.

Hindi ba rin sinagot ni Carla ang tanong ng isa niyang follower kung bakit siya nagbebenta ng gamit. Ang isang rason lang niyan ay sobra na ang mga gamit niya kaya sa halip na maluma lang, mas maganda kung ibenta na lang.

Ogie hindi matalikuran ang BG

Ni-retweet ni Ogie Alcasid ang tweet ni Michael V. na. “23rd on the 23rd mga ka-Babol” na ang tinutukoy ni Michael V. ay ang 23rd anniversary ng Bubble Gang na matagal ding kasama sa cast si Ogie. Ikinatuwa ng fans ng Bubble Gang ang gesture ni Ogie.

Samantala, iba-iba ang reaction ng nakabasa ng tweet ni Ogie patungkol sa asawang si Regine Velasquez.

“The joy in seeing your wife smiling from ear to ear because of the wonderful things that are happening to her is so precious.”

Hindi na binanggit ni Ogie kung anong “wonderful things” ang nangyayari kay Regine pero tiyak may kinalaman sa career nito at sa paglipat sa ABS-CBN. Marami ang nag-congratulate kina Ogie at Regine, pero marami pa rin maasim ang mga comment, ang iba sa kanila hindi pa rin naka-move on sa pag-alis ni Regine sa GMA-7 at paglipat sa ABS-CBN.

After ASAP Natin ‘To, sa sitcom naman na pagbibidahan nina Ogie at Regine ang hinihintay ng fans. Request ng viewers, isama sa sitcom nina Ogie at Regine si Janno Gibbs. Pwede kaya?

Miguel at Bianca walang ilangan

In fairness kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kahit break na, puwede pa ring magsama sa trabaho. Kapansin-pansin din na walang ilangan sa kanilang dalawa.

Sila pa rin ang love team sa Sunday PinaSaya at sila pa rin ang love team sa bagong primetime ng GMA-7 na airing for next year.

Kaya pa rin nilang mag-post ng picture na magkasama sila na ikinatutuwa ng kanilang fans. Sa Instagram (IG) ni Bianca, may bago silang picture ni Miguel na magkasama, samantalang wala silang litrato ni Ruru Madrid na nakasama niya sa bakasyon sa Japan at Siargao.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with