^

Pang Movies

Andrea nagpakita ng puwet sa kalendaryo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Andrea nagpakita ng puwet sa kalendaryo
Andrea Torres

Seksing kalendaryo ang piniling gawin ni Andrea Torres kesa sa unang plano na isang coffee table book. ‘Yung makikitang pictures eh halos katulad din ng mga una niyang ginawa.

“Regalo ko ‘yon sa fans,” sambit ni Andrea nang makausap ng press sa taping ng magtatapos na Kapuso series na Victor Magtanggol.

May topless ba siya?

“Meron!” tugon ni Andrea. May labas ang puwet? “Slight lang! Ha! Ha! Ha!” aniya.

Sa Abril eh magbabakasyon sila ng ina sa Maldives. Pero wala siyang kasamang boylet.

Teka, hindi ba niya nagustuhan si Alden (Richards)?

“Friends kami! Super close even before na magkatrabaho,” rason niya.

Kita sa mukha ni Andrea na relaxed na siya ngayon sa VM hindi tulad nu’ng magsimula ang series na halos iyakan niya ang pamba-bash sa kanya. Naging strong ba siya dahil sa series?

“Even before pa nga dumating feeling ko, parang inihanda na ako ni Lord na pagpasok ng next project ko, alam ko na na parang naayos ko na ‘yung thinking ko kung paano ko ihahanda ang sarili ko sa bashing.

“Hindi naman sa wala lang pero may times pa ring naaapektuhan ako. Lalo na pag damay ang pamilya ko. Pero may mind set ka na kasi kung paano mag-deal sa kanila,” diin niya.

Malaking bagay rin ang pagdalo niya sa fellowship sa isang Christian group kaya hindi agad siya naaapektuhan ng mga banat sa kanya.

Sa pagtatapos ng series, ano ang gusto niyang sabihin kay Alden?

“Sobrang thankful kasi inaa­layan niya lahat. Una pa nga lang, nasabi ko na yata ito, magaling siyang leader. Una pagod ka na pero pag nakita mo siya, ay, ang positive pa rin nya. Mahahawa ka.

“Ang dami kong natutunan sa kanya kung paano i-handle ang stress ng trabaho. Kaya magaan siyang kasama kaya maraming trabahong pumapasok sa kanya kasi always siyang thankful.

“Minsan naiinitan siya sa costume niya pero mas iniisip na lang niya ng hirap ng cameramen at nagdadala ng gamit. Kahit busy siya, ay time pa rin siyang mag-isip ng ganoon,” saad ni Andrea.

vuukle comment

ANDREA TORRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with