^

Pang Movies

Habang nagpapagaling Diego inilipat sa mas pribadong lugar

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Habang nagpapagaling Diego inilipat sa mas pribadong lugar
Diego Loyzaga

Siguro ay dapat na matuwa na ang fans ng actor na si Diego Loyzaga dahil sa balitang siya ay nasa isang ligtas na kalagayan na. Hindi naman malubha ang sinasabing self inflicted wounds na siya rin ang may kagagawan.

 

Para na rin mas makapagpahinga pa siya, at maiwasan ang maraming mga pilit na nag-uusyoso, napagpasyahan na ilipat siya sa isang mas pribadong nursing home, kung saan siya mas makakapagpahinga muna ayon sa aming hindi na papangalanang source.

Nagkaroon ng kaunting depression si Diego, at hindi naman daw kaila iyan sa malalapit sa kanya, maging sa sarili niyang ina, na panay ang pagpapaalala sa kanya. Lagi naman daw isinasagot ni Diego na okay lang siya. Pero kapansin-pansin nga na umiiral ang depression kaya nga madalas nasasabit din siya sa mga controversy.

Hindi pa natatagalan, napaaway din siya sa isang TNVS driver. Madalas sinasabing mabilis uminit ang ulo ni Diego, at iyon ay isang kundisyong hindi naman lihim sa kanila. Hindi naman daw ganyan si Diego na lumaking isang masayahing bata, pero simula noong magbalik siya sa Pilipinas, medyo naiba.

“Lahat ng tao naman nagagalit, pero dahil nasa showbiz ako, masyadong magnified ang mga nangyayari,” sabi pa ni Diego sa isang interview sa kanya sa telebisyon kamakailan lamang.

Ganoon pa man, sinasabi naman niyang magkasundo sila ng kanyang inang si Teresa Loyzaga, at mahal niya ang ina niya. Sinasabi rin niyang emotionally natutulungan din siya ng mga kapatid niya, na mahal din niyang lahat, pati na ang kanyang Tita Shine (Sunshine Cruz).

Ngayong sinasabi ngang maganda na ang takbo ng kanyang career, ang akala nila ay mas magiging okay na siya dahil busy na nga at hindi na niya maiisip kung ano man ang nagiging dahilan ng kanyang depression, pero kung minsan nakakasingit pa rin iyon.

Sinasabing dahil sa depression niya, sinaktan niya ang sarili niya, gamit ang isang Swiss knife, pero mabuti naman at nakita ng kanyang mga kasama sa bahay ang ginagawa niya, mabilis silang nakahingi ng tulong. Nalapatan naman siya ng first aid, pero minabuti na nilang dalhin siya sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City para matiyak na ok lang ang lahat. Minor injury lamang naman ang nangyari. Hindi iyon kasing lubha ng iniisip ng iba.

“Masyado lang sensationalized ang mga pangyayari kasi wala silang makuhang information,” sabi pa ng aming source.

Maging ang ospital ay ayaw tigilan, sa kabila ng kanilang “request for privacy”.

In the meantime lang naman iyon. Kung maayos na ang lahat sasabihin naman namin kung ano talaga ang totoo. “Sa ngayon as you can see, mas mara­ming speculations kaysa sa totoong nangyari,” sabi pa ng source.

Iyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na ilipat muna si Diego sa isang nursing home kung saan may mapapangalaga sa kanya nang tama at mas makapagpapagaling siya nang husto nang matahimik. Unti-unti na rin naman daw nakaka-recover si Diego at nakausap na ng mga miyembro ng kanyang pamilya na lahat ay nangako ng support sa kanya.

Siguro nga in a few days, ang sabi nila mga two weeks, kung kailan magaling na ang kanyang mga sugat ay maaari na rin siyang magbalik sa kanyang trabaho, after all iyon lang naman talaga ang problema. Kailangan nga lang siguro na maalalayan siya nang tama para maiwasan na ang mga atake ng depression sa kanya.

Mukha namang ngayon ay nasa ayos na ang lahat.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with