^

Pang Movies

JM at Luis walang bad blood, tsika tuwing nagkikita!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
JM at Luis walang bad blood, tsika tuwing nagkikita!

Jessy ‘di pinag-uusapan

Handa si JM de Guzman na makipagpareha sa ex-girlfriend na si Jessy Mendiola sa TV o sa pelikula. Aktibo muli ang showbiz career ng aktor dahil after ng TV series eh nagawa niya ang movie nila ni Rhian Ramos na Kung Paano Siya Nawala.

“I don’t mind naman yung ini-offer ng management sa amin. Kung maganda ang istorya, nagustuhan namin pareho, nag-agree rin ang side niya, walang problema siguro,” rason ni JM sa nang makausap ng press after ng media launch ng coming movie.

So kaya na nilang kalimutan ang nangyari sa kanila?

“Sa tingin ko. Sa tingin ko po mutual, willing naman kaming mag-move on doon. Maging professional at magkaibigan,” saad pa ng aktor.

Sila ba ni Luis (Manzano) kapag nagkikita sa ASAP eh nagpapansinan?

“Lagi po, lagi po! We show each other respect,” sey niya.

So wala na siyang excess baggage ngayon?

“Wala na po! Ha! Ha! Ha!” deklara ng aktor.

Kumusta na siya pagdating sa pag-ibig?

“Ha! Ha! Ha! Ahhh, it’s still scary thing for me, love. Alam ko kung ano ang puwede niyang gawin sa akin, positive o negative. Something na hindi ko dapat minamadali. Inaalagaan,” katwiran ni JM.

Kumusta na ang self-confidence niya ngayon?

“Just enough confidence and humility, Keep your feet ground,” tugon ng aktor.

Alessandra ‘di kinaya ang lamig sa Iceland

Dusa ang ginawang shooting nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi sa Iceland para sa coming movie nilang Through Night and Day for Viva Films. Bukod sa sobrang lamig sa bansa, may eksena pa si Alex na kailangan niyang lumubog sa isang spring na halos ikamatay na niya, huh!

“Kinapos talaga ang hininga ko! Ganoon pala ang nararamdaman pag inaatake ka ng hypothermia! Nakakaloka! Agad nga nila akong inulublob sa mainit na pool pero ang bilis namang lumamig!” saad ni Alex sa mediacon ng movie ni direk Veronica Velasco.

Nahirapan man sa shoot, natupad naman ang dream ng actress na makapag-shoot sa Iceland. Naging bonus pa sa kanila ni Paolo ang makita ang famous Northern Lights o Aurora Borealis.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with