^

Pang Movies

Mga nagawang kanta ni Rico sinariwa ng fans

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Mga nagawang kanta ni Rico sinariwa ng fans
Enrico de Jesus Puno

Sino ba ang hindi nalungkot o naluha habang pinapatugtog muli ang mga hit songs ni Enrico de Jesus Puno o mas kilala bilang Rico J. Puno.

Binawian na siya ng buhay last Tuesday dahil sa cardiac arrest.

Si Rico ay isang singer, comedian, actor, TV host at isa sa pioneer promoter ng Original Pilipino Music.

Walang makagaya sa unique na boses nito na high pitch at husky.

Kahit wala na siya, palagi pa ring maaalala ng mga tao ang kanyang kontribusyon sa industriya ng musika.

Ilan sa mga pinasikat niya ang May Bukas Pa, Sorry Na Pwede Ba, Magkasuyo Buong Gabi, Macho Gwapito, Lupa at marami pang iba.

Sa pagpanaw ni Rico, dinagsa tuloy ang Greatest Hits Full Album ni Rico J. sa YouTube at ibang social media account, pati na rin sa mga istasyon sa radyo upang patugtugin at sariwain ang mga sikat niyang kanta. Nakakaaliw ang mga comment ng   fans na karamihan ay pami-pamilya at yung iba ay in-behalf pa ng kanilang mga lolo, tatay, at tito.

Mananatili si Rico sa alaala ng lahat, ang nag-iisang macho gwapito.

vuukle comment

ENRICO DE JESUS PUNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with