^

Pang Movies

Nora pinapaiwas sa emotional at psychological stress ng Malacañang

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora pinapaiwas sa emotional at psychological stress ng Malacañang
Nora

Hindi man tuwirang sinabi, may pahiwatig ang Mala­cañang na mukhang mayroon ngang lobby, o lumalaban sa pagbibigay kay Nora Aunor ng National Artist title. Kaya nga sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na naniniwala naman sila sa kakayahan ni Nora at sa kanyang mga nagawa na para sa sining, subali’t hindi siya isinama sa mga National Artists, “para maiwasan ang emotional at psychological stress” na maaaring idulot pa sa kanya ng titulong iyon.

 

Sinabi rin niyang siguro darating ang panahon na makukuha rin ni Nora ang title sa tamang panahon.

Sinabi rin naman ni Nora sa kanyang statement na “ano ba naman ang isang award kung kapalit naman nito’y paulit-ulit na paghamak sa pagkatao ko at sa mga taong naniniwala sa akin”.

Noong una nga kasi, ang sinasabing dahilan kung bakit hindi siya pinangalanang national artist ni dating presidenteng Noynoy Aquino ay dahil sa naging involvement niya sa kaso ng droga sa US. Ano man ang sabihin, napawalang sala man siya o ano man, naging involved siya sa isang kaso. Napawalang sala siya dahil sa isang technicality ng batas, pero hindi naikaila ang dala niyang shabu sa eroplano.

Ngayong panahon ni Presidente Duterte, hindi naman sinasabing iyon pa rin ang dahilan. Pero alam naman natin sa si­mula pa kung ano ang advocacy ng pangu­lo, at iyong pani­niwala nga na dapat walang masasabing hindi maganda sa isang natio­nal artist.

Si Nora naman mukhang give up na, at sinabi nga niyang “kalimutan na iyang National Artist na iyan. Sapat na ang ibi­nibigay sa aking pagkilala ng aking mga kasamahan”. Tama naman iyon, eh ano ba kung hindi siya makuha? Hindi ba nangyari rin naman iyan kay Dolphy na ang nomination ay hinarang naman noon ng isang opisyal ng CCP, na ang dahilan lamang naman ay gumawa siya ng pelikulang hindi maganda para sa mga bakla.

Janella nangibabaw ang respeto sa sarili

Ngayong nag-detalye na nga si Janella Salvador at inaming sinaktan siya ng kanyang ka-love team at boyfriend noon na si Elmo Magalona. Noong una raw ang akala niya ay nagawa iyon dahil lasing lang si Elmo kaya nang humingi iyon ng dispensa at mangakong hindi na uulitin ay naniwala siya.

Noong ikalawang pagkakataon na nagkapasa-pasa pa ang katawan niya, dun na niya naisip na basta pala nakakainom na ang boyfriend niya ay hindi siya nakakasiguro kung masasaktan siya o hindi, kaya siya na mismo ang tumapos sa kanilang relasyon at naisip niyang tama pala all the while ang sinasabi sa kanya ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Kung kami ang tatanungin, may mali si Janella kaya umabot sila sa ganyan. May nangyari na palang una eh, pinayagan pa niyang maulit. Kung pumayag siya ulit, puwedeng maulit pa iyon. Mabuti natauhan na siya. Iyang ganyang abuso, hindi naman mangyayari sa isang babae maliban na lang kung papayagan niyang mangyari sa kanya.

Sa kaso si Janella, dalawa ang considerations. Una talagang nagkaroon sila ng relasyon ni Elmo. Ikalawa maaapektuhan ang kanyang career dahil magka-love team sila. Pero siguro naman mas tama ngang mangibabaw ang respeto niya sa sarili niya. Kahit na sabihin mong may relasyon kayo, o maapektuhan ang career ninyo, kung ganoon namang umaabot na sa pananakit eh dapat pa bang payagan iyon?

Mabuti naman nakapag-isip isip na siya.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with