^

Pang Movies

Mga dating artista na sumikat noon nagsisibalikan na sa TV at pelikula

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Mga dating artista na sumikat noon nagsisibalikan na sa TV at pelikula

TF hindi na kamahalan

Mabuti naman at nakikita at napapanood na ulit sa mga TV show at pelikula ang mga dating artista na sumikat noon. Katulad na lang halimbawa nina Lito Lapid, Susan Roces, Albert Martinez, Eva Darren, Elizabeth Oropeza, Gary Estrada, Ronaldo Valdes, Isabel Rivas at si Lilet.

Hindi rin naman papahuli sina Perla Bautista, Gardo Versosa, Jestoni Alarcon at marami pang iba na mga senior citizen na, pero magaganda pa rin at hindi pa kinakalawang ang talento sa akting kaya sila ang paborito na kunin sa mga projects.

Isa rin ang comeback ni Superstar Nora Aunor na tampok ngayon sa seryeng Onanay ng GMA-7.

Mas alive ang showbiz career ng mga artista noon at ngayon dahil mas maliit ang budget ng TV shows kesa paggawa ng pelikula.

Samantala, natuwa naman kami sa nakaraang Saturday episode ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco, ang true life story ni Golden Cañedo, ang grand champion ng katatapos lang na The Clash.

Malungkot pala ang naging buhay ni Golden, maraming hirap ang dinanas, pero nang maging grand champion siya sa The Clash at mag-uwi ng house & lot, brand new car, at tumataginting na one million pesos, dito na nagbago ang buhay nilang mag-anak.

Sa nasabing istorya, merong lolo si Golden na umalipusta sa kanila, ang tatay ng kanyang ama, at ginanapan ito ng nagbabalik na si Ernie Garcia.

Matagal nawala si Ernie sa mundo ng showbiz, pero dahil hindi nga raw siya makatanggi sa mga kaibigan niya sa movie production, muli siyang umarte sa harap ng camera. At happy daw ang kanyang family sa pagbabalik-acting niya.

Magandang aktres kinaiinisan na dahil sa sobrang pagpapapansin

Sobra naman daw itong isang napakagandang aktres na kung makatili sa kanyang show ay para bagang naiipit lagi ang buli!

Napakahilig magtitili at minsan OA na sa kanyang pagpapatawa. Sobra na raw sa pagpapapansin sabi ng iba. Mga manash, inggit lang kayo! yun ang totoo! Hmmmp, e di tumili rin kayo!

Gigil n’yo si ako e! Wa kayo pake knows ko yun at love ko siya, tsee kayo!

vuukle comment

RONALDO VALDES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with