^

Pang Movies

Regine hindi nag-iilusyon ng malaking TF sa Kapamilya

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Regine hindi nag-iilusyon ng malaking TF sa Kapamilya
Regine Velasquez

Sa welcome presscon for Regine Velasquez na ginanap last Wednesday matapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN natanong siya kung totoo ang tsika na half a billion ang offer ng Kapamilya network sa kanya.

“You know at my age, and at the stage of my career, we all know, you know, alam n’yo namang lahat ng mga reporter dito, ng mga kaibigan ko, hindi naman ako ilusyunadang tao.

“Alam ko naman kung ano ang lugar ko sa industry. Kaya nga sobra akong touched na touched sa welcome na ibinigay sa akin ng ABS kasi hindi ko akalain na ganu’n ako kaimportante.

“Hindi po ako mailusyunadong tao. The reason why I’m here is because, hindi ko alam kung hanggan kailan ko pa kayang kumanta and I want to work with their talented singers. ‘Yun talaga ‘yun.

“Na bago man lang matapos ‘yung career ko, nasabi kong nakatrabaho ko rin ang number one station,”pahayag ni Songbird.

Sa nasabing presscon ay ipinahayag din ni Regine ang pasasalamat niya sa GMA-7 na naging home network niya for 20 years.

“First of all, I just want to say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them. I am grateful to them. Dahil po sa kanila, napatagal po ‘yung aking career, nabigyan ako ng pagkakataong mag-host, gumawa ng soap at marami pang iba.

“So, sa akin pong puso, maraming-maraming salamat pa rin sa GMA.

“Actually, not a lot of people know, I actually started here in ABS-CBN. I did, I started here. They gave me a chance, they gave me a television show na talagang practically, hindi po ako kilala. Nag-uumpisa pa lang ako nu’n, I was 16 or 17 years old, and I did 2 TV shows. I did Teen Pan Alley kasama ko si Janno Gibbs at si Bing Loyzaga, and then ‘yung Triple Treat.

“And then, of course, parang naging mainstay na rin ako ng Sa Lingggo nAPO Sila, parang linggu-linggo halos nandito ako, not to mention ‘yung show ng aking idol na si Sharon Cuneta, nandito po ako lagi,” she said.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Songbird sa ABS-CBN at ini-reveal na nga rin niya kung anu-ano ang gagawin niyang proyekto.

Una ay ang ASAP of course every Sunday, isang sitcom kasama ang asawa niyang si Ogie Alcasid na talaga namang ikinae-excite niya at ang pangatlo ay magiging isa siya sa judges ng singing competition na Idol Philippines.

“I’ve never done a sitcom before. And nae-excite po ako kasi I’m gonna be working with my husband. I’m so excited about that.

“Alam n’yo, kasi, ‘yung nakikita n’yo sa Instagram ko na magulo kami ng asawa ko, na parang magdyowa lang kami, dream ko talaga to work with him and whatever, and now I’m given this sitcom, I’m so excited,” ani Songbird.

Ini-reveal din niyang siya ang kakanta ng theme song ng upcoming serye ng ABS-CBN na The General’s Daughter na isinulat naman ni Ogie.

Para kay Regine, itinuturing niyang isang milestone sa career niya ang pagbabalik niya sa ABS-CBN.

“Sa akin, ikino-consider ko talaga siyang milestone kasi sa edad ko ba namang ito, eh meron pa akong ganitong pa-welcome. Nakakatuwa. I’m so overwhelmed actually. Kaya kanina pa ako umiiiyak kasi nao-overwhelm po talaga ako, and the same time kinakabahan ako. I’m excited, I’m very excited, lalo na nung nadinig ko na ‘yung mga gagawin ko,” masayang sabi pa ni Songbird.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with