^

Pang Movies

Angel at Neil chill chill sa Batangas, tsismis na hiwalay peke!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Angel at Neil chill chill sa Batangas, tsismis na hiwalay peke!
Angel Locsin at Neil Arce

So, Ateng Salve, ano ang masasabi mo at may iba pala na nagdududang hiwalay na ang mag-sweethearts na sina Angel Locsin at Neil Arce?

Actually, ako mismo, nagduda na baka totoo ang tsikang ‘yon, pero ayon sa isang malapit kina Angel at Neil na tinanong ko, imposible raw ‘yon.

“They’re in Batangas now. ‘Kaloka naman ‘yan!” sabi ng kausap ko.

So, mali nga ang duda ng marami.

Sabi pa ng taong malapit sa mag-sweethearts, sobrang happy ang dalawa sa kanilang relasyon, kaya tigilan daw ang dudang baka something’s wrong with their relationship, huh!

Well...

Sunshine at Cesar matindi ang galit sa isa’t isa!

May ibang common friends pala ng ex-couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano na nangangarap na darating din ang araw na tuluyang magkabati ang dalawa lalo na at annulled na nga ang kanilang marriage.

Tutal naman daw ay may tatlong anak ang ex-couple, kaya sana raw ay matulad din sila sa ibang ex-showbiz couple na after na maghiwalay ay naging good friends naman.

Ang magandang example sa ex-couple na naging good friends ay sina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren, pati sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Dahil good friends nga, walang problema kung magkasama-sama man ang mga ito.

Pero ang problema kina Sunshine at Cesar at grabe rin kasi ang “paratangan” at “sagutan” nila ay may iba ring mga nakikisawsaw, kaya baka nga mahirapang maging friends ang ex-couple.

Well...

Barangay 143, pang-world class

Bilib ako sa mga artistang nag-dub sa major characters sa Filipino animé na Barangay 143.

Ang sisipag kasi nilang mag-promote lalo na itong sina Migo Adecer, Kelley Day (kahit sa gabi, nagpo-promote siya, hehehe) at Ruru Madrid.

Pati nga sa radio at malls, nagpo-promote sila, huh!

Kaya naman hindi nakakapagtaka na matunog na kaagad ang Barangay 143 kahit na sa October 21 ng 10:00AM pa lang sila magpa-pilot telecast sa GMA 7.

Anyway, bukas ay may viewing party ang first episode ng Barangay 143 dahil very proud daw ang producer nito na ipapanood sa entertainment press ang kanilang produkto.

Pang-world class nga raw ang Barangay 143, kaya nakatakda rin daw itong isali sa iba’t ibang animé at television shows festival abroad!

Ang bongga!

Richard super sweet kay Zion

Ang sweet na tatay ni Richard Gutierrez. Nung nasa Europe kasi ako, tinanong ko ang aktor kung ano ang gusto niyang ipabili.

Ang bilin niya, Octonauts toys para sa panganay niyang si Zion.

Ang Octonauts daw ang gustung-gusto ngayon ni Zion.

Si Baby Kai naman ay hindi pa mahilig sa laruan

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with