^

Pang Movies

Beauty hindi hinihigpitan ng asawa

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Beauty hindi hinihigpitan ng asawa
Beauty

Hindi pa raw nakikita ni Beauty Gonzales ang kanyang sarili na mabubuntis ulit. At kung siya nga lang daw ang masusunod, ayaw niya nang sundan ang kanyang unica hija.

 

Ang kanyang anak na si Olivia nearly two years old na, ang ama ng kanyang anak ay ang art curator and connoisseur na si Norman Crisologo.

“Haping-hapi na actually kami sa kanya,” ani Beauty.

Former housemate si Beauty sa bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother), at galing siya sa mayamang pamilya sa Bacolod, ganun din ang kanyang asawa. Kaya wala nang dahilan para magtrabaho siya. Which explains why thankful daw siya that her husband allows her to continue with her showbiz career.

Kasama ngayon si Beauty sa cast ng ongoing series sa ABS CBN, ang Kadenang Ginto, where she plays Albert Martinez’s wife.

Kasama rin sa cast si Dimples Romana at gaganap ito bilang kanyang stepdaughter na hindi boto sa kanya para maging asawa ng kanyang ama.

To top it all, ang napangasawa ni Dimples ay dati namang boyfriend ni Beauty sa serye, played naman by Adrian Alandy.

“Maraming cat fight na namagitan sa amin dito ni Dimples,” pahayag ni Beauty. “To the point na magkakasakitan kami.

“I’m glad, Dimples is not just mabait but a professional. At napakagaling niya.

“Kaya, I need to, wika nga, do my homework, each time alam kung may mga eksena kaming pagsasamahan,” natawang wika ni Beauty.

Equally glad din daw si Dimples na nakatrabaho niya si Beauty.

According to Dimples, bagay daw talaga ang pangalan na Beauty dito, “sincere beauty talaga ang kanyang ugali. Magkasundo kami,” susog pa ni Dimples. “Sana, magkatrabaho kami ulit after Kadenang Ginto.”

Yayo ayaw humingi ng tulong sa mga anak

Kung gugustuhin ni Yayo Aguila, puwede na siyang magpa-relax-relax na lang, since all of her three elder girls are all working now.

Only her youngest is in high school. “But he is graduating na,’’ ani Yayo. “And I don’t want naman na ang mga kapatid niyang babae ang magpa-aral sa kanya. Yes, sa college.

“Hanggang kaya ko pa and I still continue to get offers to do TV at pelikula, I’ll keep on working.”

Nanghihinayang si Yayo at ‘di napili bilang official entry sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ang pelikulang Class of 2018, a T-Rex’s Productions co-starring her with young performers Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Sa ngayon, kasalukuyang ginagawa ni Yayo ang pelikulang All Souls Night ng Aliud Entertainment and Viva Films at Sissum ng Ten17 Productions.

Meryll may sariling kumpanya na

Ang rason daw ni Meryll Soriano sa pag-attend ng scriptwriting workshop ni Ricky Lee ay para sa agenda niya next year, ang magdirek ng pelikula.

Si Meryll ay graduate ng fashion designing sa London University, may sarili nang kumpanya ngayon si Meryll, ang Do Good Studio which specializes in graphic designs.

We had the chance to meet with Meryll sa presscon ng ongoing Cine­ma Originals Film Festival, isa siya sa cast ng pelikulang entry dito, ang Never Tear Us Apart directed by Whammy Alcazaren.

Si Meryll ay pamangkin ni Maricel Soriano sa ate nitong si Bec-bec na napabalitang kasal na ngayon sa isang Japanese. Ang tatay naman niya ay si Willie Revillame.

Dati siyang kasal sa aktor na si Bernard Palanca, at ang kanilang anak ngayon na si Elijah ay almost a teenager na.

Samantala, tikom naman ang kanyang bibig pagdating sa current status ng kanyang lovelife.

Of the ongoing Cinema One Originals, the other participating films are: Short History of Bad Things ni Keith Delgero; Double Twistine Double Back ni Joseph Abella; Hospicio ni Bobby Bonifacio; Paglisan ni Carl Papa; Mamu and A Mother, Too ni Rod Singh; Asuang ni Ryan Brizuela at Bagyo ni Bheverylyn at Charliebebs Gohetta.

Magtatagal ang mga pelikulang ito hanggang October 21 at mapapanood ito sa mga sinehan ng Gateway, Trinoma, Glorietta, Santolan Town Plaza, Power plant, SM North Edsa, Megamall, Sta. Mesa, Cinematheque Manila, UP Cine Adarna, Cinema ’76, Black Maria Theater and Cinema Centenario.

Personal…

As we go to press, Vir Gonzales, a colleague, sent us word na binawian na ng buhay si direk Mike Relon Makiling, na matagal ding na-confine sa isang government hospital sa Valenzuela City.

May your soul rest in peace, direk Mike. (Nakikiramay po kami sa naiwang pamilya ni Direk Mike. – Salve A)

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with