^

Pang Movies

Kim at Xian malabo nang maging love team ulit?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Sabi ng fans ng KimXi, sana raw after ng ABS-CBN Ball ay makita naman nila sa isang project ng Kapamilya network ang fave love team nila.

 

Sana raw ay pagtambalin pa rin ng Dos sina Kim Chiu at Xiam Lim.

 

Matupad kaya ang wish ng mga fan nila?

Feeling ko, sa ngayon, malabo pang mangyari ‘yon, huh!

Golden pinayuhang wag maging ‘clone’ ni Sarah

Naku, Ateng Salve, type kong panoorin mamayang gabi (at bukas) ang musical special ng The Clash na ang tawag nila ay The Clash, Ang Concert Para Sa Lahat!

Sabi kasi ng mga taga-GMA 7, “It will reunite the program’s first grand champion, Ang Golden Voice ng Cebu, Golden Cañedo with her fellow Clashers for two nights led by The Clash Master herself, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.”

So, mapapanood din natin mamayang gab (at bukas) si Regine?

Aba, mas exciting ngang panoorin ang pagko-concert nilang ito lalo na at type ko ang grand winner nilang si Golden na sinasabing next Sarah Geronimo (pero sana ay magkaroon siya ng sariling image at huwag maging “clone” lang ng Pop Princess).

Hindi naman maganda kung mata-tag si Golden na gaya-gaya lang sa girlfriend ni Matteo Guidicelli, huh!

Anyway, at 16 nga pala, wala pang boyfriend itong si Golden.

Gloria wiling-wili sa apo 

Sa press launch ng Pamilya Roces ng GMA 7, isa si Gloria Diaz sa tsinika-tsika ng karamihan sa entertainment press (mostly the veterans).

Sabi nila, type nila ang pagiging elegante pa rin hanggang mgayon ng ating first Miss Universe.

Kahit nga 1969 pa kinoronahan si Tita Glo bilang first Fili­pina Miss Universe, still, kapag nakikita siya ng mga tao ay nai-starstruck pa rin sa kanya, huh!

And in fairness to Tita Glo naman, up to now, maganda pa rin ang PR niya.

Kapag tsinika-tsika mo siya, talagang very accommodating kahit ano pa ang itanong mo sa kanya.

Actually, Ateng Salve, ako nga, kapag may kailangan akong itanong sa kanya, madali ko siyang natatawagan.

Aliw ding katsikahan si Tita Glo dahil very witty rin siya!

The last time na katsikahan ko siya, napagkuwentuhan namin ang apo niya sa anak niyang si Isabelle Daza-Semblat.

“I’m so crazy about Balty (tawag niya sa apo),” ani Gloria. At nang tinanong ko kung nagpapatawag siya na lola, sinabing Monshie raw ang gusto niya na tawag sa kanya.

Ayway, excited din si Tita Glo sa pagsisimula ng Pamilya Roces sa Monday.

vuukle comment

KIM CHIU

XIAM LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with