^

Pang Movies

Aktres na nagkaproblema sa ex na aktor sa pera, tinatapatan ang yaman ng madatung na dyowa

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang bongga pala ng aktres na ito, Ateng Salve!

Pinag-uusapan nga si aktres ng ilang mga sosyal kong kakilala dahil ang bongga niyang magbigay ng regalo sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Isang expensive watch ang iniregalo ni aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Hmph! Huwag kayong mag-isip na PG o bilmoko boy ang boyfriend nga­yon ni aktres dahil sa true lang, ang yaman ng lalaking ‘yon, ‘noh?!

Kung pag-uusapan ang lahat ng business ng pamilya ni non-showbiz boyfriend, malulula kayo sa rami, huh!

Si guy rin naman daw, grabe rin kung magregalo kay aktres.

Madatung na rin si aktres ngayon, kaya naman bagay na bagay sila ng kanyang non-showbiz boyfriend!

At least, regaluhan man ni aktres ng expensive things ang kanyang non-showbiz boyfriend ay walang magsasabing gina­gamit lang siya niyo dahil madatung din ito.

Eh, hindi ba noon, nagkaroon ng issue si aktres sa ex-boyfriend niya na isang aktor dahil sa pera?

Well...

Martin napagkamalang may-ari ng restaurant

Nag-taping si Martin Nievera sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan kahapon para sa kanyang LSS (Long Story Short): The Martin Nievera Show na napapanood sa ANC tuwing Monday night (with replays).

After ng kanyang taping, niyaya kami ni Martin na kumain doon.

Nang may mga customer na dumating at nagpa-picture sa kanya, lahat ay pinagbigyan ng TV host/singer.

Tapos na ang taping niya, pero naiisipan ni Martin na siya na ang mag-serve sa mga pagkain na in-order ng ilang customers.

May ibang customers na akala ay si Martin ang may-ari ng lugar na ‘yon dahil tsika pa siya nang tsika sa mga ito.

Biniro nga ni Martin ang isang costumer na nagtanong at sinabing, “Yes, I’m the owner!” sabi tawa.

Bumilib kay Martin ang isang Pinay na taga-Austra­lia dahil ma-PR daw talaga ang TV host/singer.

Golden may show na agad

Si Golden Cañedo ang grand winner sa The Clash ng GMA 7.

Bago pa man banggitin ni Regine Velasquez-Alcasid ang pangalan ni Golden bilang Top Clasher, marami na sa loob ng studio ang nagsasabing sure na siya na ang winner.

Hawig daw kay Sarah Geronimo si Golden at sa galing niyang kumanta ay sure na raw na siya ang mananalo.

Sa hitsura kasi ni Golden, puwedeng-puwede siyang pasikatin ng GMA 7.

Tinanong nga namin si Golden kung ano ang masasabi niya na siya ang itinuturing ng mga tao na susunod sa mga yapak ni Sarah at sinabi niyang idol talaga niya ang Pop Princess, kaya malaking karangalan daw sa kanya ‘yon.

Sa ngayon, kasali na si Golden sa new primetime variety show ng Kapuso network, ang Studio 7, na magsisimula na sa October 14.

Okey rin daw kay Golden na mag-artista at type niyang makapareha si Miguel Tanfelix.

vuukle comment

GOLDEN CAñEDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with