^

Pang Movies

Marian magpapaka-singer na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian magpapaka-singer na!
Marian

Gugulatin ni Marian Rivera ang mga Pinoy na manonood ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sa California sa October 7 mula sa GMA Pinoy TV. Makakasama niya sa show sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Donita Rose, Super Tekla at AiAi de las Alas.

“Gugulatin ko sila sa mga kakantahin ko! Sigurado ako na matutulala sila at baka bi­ngi silang uuwi! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Marian sa tanong sa gagawin niya.

Of course, nagbibiro lang si Yan nang sabihin niya ‘yon sa presscon ng show kahapon.

“Hindi! Ha! Ha! Ha! Ang masabi ko lang, bilang artista, bilang representative ng GMA, pupunta kami roon, gagawin ko ang lahat bilang artist.

“Of course, hindi mawawala ang kanta. Sing along at higit sa lahat, hindi mawawala ang sayaw. Kaya abangan nila ang paghataw ko. ‘Yun talaga ang forte ko!” saad pa ng GMA Primetime Queen.

Sa pag-alis niya ng bansa, hindi pa sure kung makakasama ang anak niyang si Zia.

“Baka kasi ma-jetlag ang anak mo tapos, pumapasok. Pag-usapan naming mag-asawa. Siyempre, kung ano ‘yung makakabuti sa anak ko. Ano ba naman ‘yung five days? Sacrifice lang muna ako eh pumapasok siya at ayoko siyang magkaroon ng jetlag.

“Pero baka isama ko. Hindi ko alam. Pag-isipan ko,” kambyo ni Yan.

Eh kelan naman siya babalik sa primetime?

“Mauuna muna si Dong kasi ready na ‘yung project niya. Hindi pa rin nababago ang set-up namin na hindi kami puwedeng magsabay sa trabaho,” diin ni Yan.

Janine kay Enchong muna

Naapektuhan si Janine Gu­tierrez sa mga hanash sa kanya sa Twitter kaya nag-deactivate muna ito. Alam naman niyang may kinalaman ito sa pagsasama nila ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

“Hindi ko naman sila masisisi dahil sa pagmamahal nila sa isang loveteam o couple. Pero may positibo rin naman akong comments na natatanggap kaya baka ibalik ko rin ‘yon kapag naayos ko na ‘yung vlog na ilalabas ko,” saad ni Janine nang humarap sa press para sa storycon ng Regal movie niyang Elisse.

Matagal na ang project na ito ni Janine sa Regal. Eh, ngayon lang kasi lumuwag ang schedules nila ng leading man niyang si Enchong Dee kaya sinimulan na.

“Eh, panalangin na lang na huwag sanang abutin ng umaga ang taping namin para maka-segue ako sa shooting. Kung si Alden (Richards) nga, nagagawang mag-taping kahit maraming trabaho, kakayanin ko rin siguro ang araw-araw na trabaho,” rason ni Janine.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with