^

Pang Movies

Aktor nakipagplastikan sa kinasusuklamang ex gf

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Wala na talagang ka-amor-amor sa kanyang ex-girlfriend na aktres ang aktor na ginagawa ang lahat para hindi magkasalubong ang kanilang mga landas.

Ang kaso, parang sinasadya ng ex-dyowa na makita nang personal ang dating boyfriend dahil sa mga delaying tactic niya.

Sa isang event, sinadya ng aktor na pumasok sa toilet at magtagal sa loob nito nang malaman niya na naroroon pa rin ang ex-girlfriend na aktres.

Natunugan yata ng aktres na nananad­ya ang aktor kaya hindi siya talaga umalis sa venue. Hindi naman forever na puwedeng magtago sa toilet ang aktor kaya napilitan ito na lumabas nang makaramdam ng pagkainip.

Siyempre, ang aktres na taimtim na waiting sa kanya ang nabungaran niya.

Para hindi siya magmukhang ungentleman, nagpanggap ang aktor na hindi isyu sa kanya ang pagkikita nila ng dating karelasyon na hate na hate na niya.

Kantiyaw ang inabot ng dalawa mula sa mga tao na witness sa kiyeme-kiyeme na chance encounter nila. Nag-request ng picture together ang mga usisero na labag man sa kalooban, pinagbigyan ng buwisit na buwisit na aktor.

Nang matapos na ang plastikan portion, nag-babu na ang aktres na may matamis na ngiti sa labi dahil ramdam ng lahat na may pagmamahal pa siya sa kanyang ex-boyfriend.

Gigil na gigil naman ang aktor at nang tanungin ito ng kanyang personal assistant tungkol sa pa-sweet pictorial nila ng dating girlfriend, sarcastic siya na sumagot na

“Malambot siya, para akong nakahiga sa kama!”

Natawa ang personal assistant sa nagmamaldito na reaksyon ng aktor. Knows ng assistant na ang pagtaba ng aktres ang tinutukoy ng aktor kaya nag-dialogue ito na parang kama na ang katawan ng girl na minahal niya noon pero kinasusuklaman na ngayon.

Katrina kita na ang maturity

Carbon copy pala talaga ni Katrina Halili si Katie, ang lovechild nila ng singer na si Kris Lawrence.

In fairness kay Katrina, pumapayag na siya na ipahiram kay Kris ang anak nila.

Natatandaan ko na noong maghiwalay sila, ang limitado na oras na pagbisita sa anak ang emote ni Kris.

Si Katrina ang nakipaghiwalay kay Kris na maraming beses na sinubukan na magkaroon sila ng re­con­ciliation pero nabigo.

Sa true lang, mas maayos at maganda ang relas­yon ng dalawa dahil magkaibigan na sila, isang sign na nag-mature na talaga sina Kris at Katrina.

Friends ni Regine, tikom din ang bibig sa paglipat niya

No comment ang friends ni Regine Velasquez sa maugong na tsismis na mag-oober da bakod na siya sa ABS-CBN.

Tikom ang bibig ng mga kaibigan ni Regine, pati na ang staff ng mga show niya sa GMA 7 na sumusumpa na wala silang alam tungol sa kumakalat na balita na hindi na magre-renew ng kontrata sa Kapuso Network ang misis ni Ogie Alcasid.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with