^

Pang Movies

Jake pinahamak si Goyo!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Jake pinahamak si Goyo!
Jake

Super sipag ni Paulo Avelino na mag-promote ng Goyo : Ang Batang Heneral. Kahapon ay pumunta pa siya ng sinehan para magbenta ng ticket. Siyempre may libreng selfie ‘yun sa mga bibili ng ticket.

Actually nagbubunga naman ang kasipagan ni Paulo. Pumi-pik up ang pelikula niya at maraming curious manood dahil sa sinasabi ng ibang kritiko.

‘Yun nga lang, naimbyerna ang Kathniel fans kay Jake Cuenca na BFF ni Paulo matapos ngang mag-emote sa Twitter tungkol sa romcom movie na mas pinapanood daw samantalang andiyan ang Goyo na pag pinanood ay may matutunan.   “#goyo is a treasure! As Filipinos its our obligations to watch the film! It’s our heritage our history more than rom coms we need to watch this film to learn. It’s our local Lincoln!”

Pero agad namang nag-sorry si Jake.

Ang nakabilib kay Jake, sa kabila nang banat sa kanya ng pagtatanggol  ng fans nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, hindi niya binura ang nasabing tweet ha.

Nagpaliwanag siya at nag-sorry lang sa ginawang pagkukumpara.

Kaya lang ang bottomline, pinahamak niya si Goyo. Sana nanghingi na lang siya ng support sa KathNiel.

Nadine sinamahan si James sa UAAP

Sinamahan ni Nadine Lustre kahapon si James Reid sa opening ng UAAP Season 81.

Kasama si James sa performers sa opening with Kpop star Minzy plus NBA superstar Stephen Curry. Kaya naman sabog ang Twitter kahapon sa netizens.

Lahat inabangan sina James, Minzy at siyempre si Stephen na kinababaliwan din ng maraming artista.

Si James lang ang performer, pero kasama niyang dumating sa MOA ang girlfriend na si Nadine na by the way ay busy na sa shooting ng ginagawa niyang movie na Ulan. Wala pang playdate ang nasabing movie pero hindi niya ka-partner dito si James.

GMA Primetime Tutok Panalo grand winner, malalaman na!

Simula nang nilunsad ang GMA Primetime Tutok Panalo, mas na-enjoy ng mga manonood ang kanilang primetime viewing dahil marami nang mga Kapuso viewers ang nanalo dito. Kaya para sa mga nais pang sumali at manalo, may chance pa hanggang ngayong araw, September 9!

Abangan lang ang question of the day sa Pepito Manaloto, The Clash, at   Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, The Clash, at Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo.

I-text ang sagot sa question of the day, ilagay ang promo code: GPTP <space>letra ng sagot<slash>Name<comma>Address at isend sa 4627 para sa lahat ng SMART, TNT, at SUN subscribers. (Example: GPTP A/Juan Dela Cruz, 4 Lime St., Quezon City) Iaanunsyo ang mga nanalo sa www.gmanetwork.com/primetimepanalo kinabukasan.

 Sumali na para magkaroon ng tyansang manalo ng cellphone load, gadgets, at cash prizes na hanggang P50,000. Sabay-sabay nating abangan kung sino ang masuwerteng mananalo sa grand draw! Tutok lang, mga Kapuso!

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with