^

Pang Movies

Jolo inihanda na ang sarili sa bagong boyfriend ni Jodi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jolo inihanda na ang sarili sa bagong boyfriend ni Jodi
Jodi

Kahapon ay nagkaroon na ng solo presscon si Jolo Revilla para sa pelikulang Tres, isang triology action film na pinagbibidahan nilang tatlong magkakapatid na sina Brian at Luigi Revilla.

 

72 Hours ang title ng story ni Cavite Vice Governor Jolo at tumatalakay ito sa war against drugs campaign na very timely ngayon. Leading lady niya rito si Rhian Ramos at may cameo appearance ang ex-girlfriend niyang si Lovi Poe. Ito ay mula sa direksyon ni Dondon Santos.

The other two stories are Virgo na pinagbibidahan ni Brian and Amats na si Luigi naman ang bida. Magkakaroon din daw ng sariling presscon ang dalawa in the coming weeks.

Ang nasabing trilogy ay comeback picture ng production outfit ng mga Revillas na Imus Productions at ani Jolo, ideya ng ama niyang si former Sen. Bong Revilla ang gumawa ng comeback film na pagbibidahan nilang magkakapatid.

Kasama ni Jolo sa 72 Hours ang kanyang mommy na si Lani Mercado na gumaganap din bilang kanyang ina. Nilambing daw niya ito to appear in the film at umoo raw agad ito. And take note, hindi raw ito nagpabayad bilang suporta na rin sa kampanya ng war against drugs.

Kasama rin sa 72 hours sina Tirso Cruz III, Dominic Roque, Albert Martinez, Aa­ron Villaflor at marami pang iba mula sa direksyon ni Dondon Santos. Ipapalabas na ang pelikula sa October 3.

Ayon kay Jolo ay na-miss niya ang pag-arte. Ang huli niyang acting project pa ay ang teleserye sa ABS-CBN na My Binondo Girl in 2011. Pero ngayon ay napapanood siya sa FPJ’S Ang Probinsyano at thankful siya kay Coco Martin for giving him the chance na makabalik ulit sa TV.

When asked kung paano niya napapayag si Lovi na mag-appear sa movie, ani Jolo ay siya mismo ang nakipag-usap sa aktres dahil good friends naman daw sila.

“Nag-uusap naman kami ni Lovi. Approved without thinking naman siya,” he said.

Heto na, hindi naiwasan siyempreng maitanong sa kanya ang ex-girlfriend na si Jodi Sta. Maria sa Q&A forum at maikli lang ang naging pahayag ni Jolo tungkol sa aktres na nakarelasyon niya ng 8 years.

“All I can say is that I have the highest respects for her and her family. And I will treasure everything,” aniya.

At one point ay natanong din si Jolo kung hindi ba niya ikinunsidera na kuning leading lady si Jodi at aniya, ang aktres daw talaga ang first choice for the role pero hindi kinaya dahil sa conflict of schedule.

Pagkatapos ng Q&A ay nakatsikahan pa naming  si Vice Gov sa group interview at muli ay natanong na naman sa kanya si Jodi. Pero ayon nga sa aktor/politiko, as much as possible ay ayaw niya sanang pag-usapan pang masyado ang tungkol dito dahil baka raw maging issue pa na ginagamit niya ang aktres para sa promo ng movie.

Sa ngayon ay single raw siya at ni hindi siya nag-try na maghanap ng iba nang mag-break sila.

“Masasabi ko naman ‘yun nang buong puso. Na wala (siyang ibang minahal),” aniya.

Dagdag pa niya, “kasi unang-una, may pinagsamahan naman kami hindi naman nawalala ‘yun. Kasi ang tagal nga namin, eh, di ba? Eight years is eight years.”

Natanong din si Jolo kung hindi ba siya natatakot na baka magkaroon ng ibang boyfriend si Jodi at aniya ay inihahanda naman niya ang kanyang sarili sa ganitong sitwasyon.

Sa tanong kung mahal pa niya ang aktres, seryoso niyang sagot, “hindi naman kaagad mawawala ‘yun dahil sa lalim naman naman ng pinagsamahan namin.”

vuukle comment

JODI STA MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with