Heart binuksan na ang buhay
Binuksan na ni Heart Evangelista ang kanyang puso sa publiko nang i-launch ang kanyang website na www.lovemarieescudero.com. Ayon sa post niya, magsisilbing love letter niya ito sa passion niya sa art, fashion, beauty at travel.
“I’ve been told that passions are always better when shared with others, so this is my love letter to you: Hello and welcome to my world,” saad niya sa blog niya.
Sa kanyang site, pinasilip ni Mrs. Escudero ang kanyang walk-in closet, beauty corner at ang nakaraang biyahe niya sa Italy. Dinagdag niya ang 24-hour niya sa Paris at, ang experience sa US Harper’s Bazaar. Meron din siyang pahina sa mga nakaraan niyang art collections.
Bongga talaga si Heart na kahit walang regular series sa GMA ay hindi nauubusan ng gagawin, huh! Less stressful nga naman mag-blog kesa sa ngaragang taping!
So marami siyang time upang buuin muli ang naudlot na pamilya nila ni Sen. Chiz, huh!
Agot tinawag na basura si Pres. Duterte
Hindi pinatulan ni Jessica Soho ang panawagan sa social media na magbigay ng reaksyon sa rape joke na binitawan kamakailan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahit may nagpaalala sa award-winning broadcast journalist ang pagpatol niya sa rape joke ni Vice Ganda sa isang concert nito, tiklop pa rin si Jessica.
Pero kaugnay ng rape joke ni P-Digong, hindi ito pinalusot ni Agot Isidro, isa sa mabagsik na kritiko ng Pangulo, huh!
“We have basura in our midst. Unfortunately we call him President,” nakaraang tweet ni Agot.
- Latest