^

Pang Movies

Idinispley agad, Iya at Drew hindi nagdamot sa pictures ng bagong anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Idinispley agad, Iya at Drew hindi nagdamot sa pictures ng bagong anak

Nanganak na si Iya Villania sa second child nila ni Drew Arellano na pinangalanan nilang Alonzo Leon V. Arellano. Nakakatuwa sina Drew at Iya, hindi ipinagkakait sa followers nila ang kanilang baby dahil may picture agad na naka-post sa Instagram (IG) ni Drew.

Ang ganda pa ng caption ni Drew na “Alonzo Leon V. Arellano. Raaaawr.”

Hilo pa si Iya, kaya hindi pa nag-post ng picture ng baby, hintayin nating maka-recover ito at tiyak na bubusugin niya tayo ng photos ng baby.

Carlos Agassi bubuhayin ni Alden

Pahirapan ang pagpunta nina Alden Richards at ilang cast ng Victor Magtanggol sa Davao para makisaya sa Kadayawan Festival dahil sa delayed flights. Si Alden nga ilang oras nasa airport bago nakasakay at ilang rebook siguro ang nangyari. Kaya almost 2am na sila nakarating nina Kristoffer Martin.

Hindi kami sure kung kasabay nina Alden at Kristoffer sina Pancho Magno at Dion Ignacio sa eroplano, pero silang apat lang ang nakita namin sa photos na nakasakay sa float.

Si Andrea Torres ay hindi na nakahabol sa parade at sa Kapuso Mall Show na lang sa SM City Davao nakahabol dahil cancelled ang flight nito noong Sabado at Linggo na nakalipad. Ilang oras din sa NAIA airport si Andrea.

Si Janine Gutierrez ang hindi na nakahabol sa mall show noong Sabado at parada kahapon. Twelve hours daw sa airport si Janine, ilang beses siyang na-rebook at nakakansela ang flight hanggang finally, hindi na siya natuloy.

Anyway, matutuwa ang mga naghihintay ng merchandise ng Victor Magtanggol dahil malapit nang mabili online at ibebenta rin sa mall shows ng telefantaserye. May t-shirts, mug at throw pillow kaming nakita at mara­ming merchandise na nire-request ang viewers kabilang na ang replica ng costume ni Alden para sa mga bata, compass at mjolnir.

Sa mga susunod na episode ng Victor Magtanggol, mapapanood si Carlos Agassi. Excited itong ibinalitang guest siya, hindi lang nito nabanggit kung kakampi o kalaban siya ni Victor Magtanggol (Alden).

Mariel bibida sa pelikulang tungkol sa kabit

Ayaw banggitin ni Mariel de Leon ang title ng gagawin niyang sexy movie sa Regal Entertainment dahil bawal pa. Sinabi lang niyang si Jay Altarejos ang magdidirek nito.

Sa ibang source kami nagtanong at nalamang The Rule of Third ang title na parang mistress movie. Makakasama ni Mariel sina Sophie Albert at Enzo Pineda at malapit na ang storycon at shooting nito.

Sa bagay, nauna nang sinabi ni Mariel nang aming ma-interview na ready siya sa sexy scenes at okay sa kanya ang kissing scene, pero may limitasyon pa rin siya.

Mapapanood din si Mariel sa remake ng movie na Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara.

vuukle comment

IYA VILLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with