^

Pang Movies

Ex ng bf ni Erich susubok sa Miss World!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ex ng bf ni Erich susubok sa Miss World!
Katarina Rodriguez

Never give up ang motto

Join sa 2018 Miss World Philippines si Katarina Rodriguez. Si Katarina ay first runner up na sa Miss Intercontinental na ginanap sa Egypt noong January nang ire-present niya ang bansa.

Nakasali na rin siya sa Asia’s Next Top Model kung saan nakapasok ito sa Top 3 noong 2014.

At higit sa lahat, ex si Katarina ng rich boyfriend ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo. Yup mata­gal daw ang naging relasyon ng dalawa bago nga ito nagkaroon ng kaugnayan kay Erich.

Anyway, sinasabing co-producer ni Erich sa pelikula niyang We Will Not Die Tonight si Mr. Lorenzo na galing ng sa super yamang pamilya.

Your Face Kids magpapasiklaban sa grand showdown

Magaganap na ang huling bakbakan ng walong kiddie performers na maghaharap-harap upang ma­iuwi ang pagkapanalo sa inaabangang grand showdown ng Your Face Sounds Familiar Kids ngayong Sabado at Linggo (Agosto 18 at 19) sa UP Theater.

Sama-samang sasalang sina Sheena Belarmino, Esang De Torres, Krystal Brimner, Chunsa Jung, Marco Masa, Noel Comia Jr., Onyok Pineda, at ang TNT Boys, para pahangain ang mga manonood sa kanilang huling transformations.

Gaya ng nakaraang season, ang 50% ng kanilang magiging total scores ay mula sa text votes, at ang natitirang 50% naman ay mula sa naipon nilang stars na ibinigay ng judges.

Nangunguna nga sa score board ang TNT Boys na mayroong 270 stars at itinanghal na weekly winners para sa kanilang transformations bilang Destiny’s Child, Mariah Carey at Boyz II Men, at ABBA. Sunod naman sa kanila si Sheena na nakapagtala ng 261 stars at hinirang namang weekly winner sa performances niya bilang Sarah Geronimo, KZ Tandingan, Jessa Zaragoza, Olivia Newton-John, at Alanis Morissette.

Tuloy din ang pakikipagtagisan ni Esang na may 255 stars at nanalo bilang Christina Aguilera at Liza Minelli. Sinundan naman siya ni Krystal na mayroon na ring dalawang panalo bilang Jessie J at Alicia keys at nakakuha ng 244 stars.

Samantala, patuloy din ang laban ng natitirang kiddie performers na sina Chunsa (219 stars), Noel (217 stars), Marco (214 stars), at Onyok (210 stars).

Huwag palampasin ang grand showdown ng  Your Face Sounds Familiar Kids  ngayong Sabado at Linggo (Agosto 18 at 19) sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). 

vuukle comment

KATARINA RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with