^

Pang Movies

Cherie kaiinisan

Vir Gonzales - Pang-masa
Cherie kaiinisan
Cherie Gil

MANILA, Philippines — Hindi raw kaya makarma si Cherie Gil sa gagawing pang-aapi kay Jo Berry?

Inaabangan na ng lahat ang nalalapit na pagpapalabas ng seryeng pinagbibidahan ni Jo Berry na Onanay na idinirek ni Gina Alajar. Ilan sa mga makakasama niya rito ay sina Cherie Gil na magpapahirap nga sa kanyang buhay, si Nora Aunor na gaganap bilang kanyang ina at si Adrian Alandyna gaganap naman bilang kanyang asawa, plus marami pang bigating artista.

Ang galing nga raw ng GMA eh, dahil napabalik nila ulit sa teleserye ang nag iisang Superstar na si Nora. Yung iba raw kasing artista ay namimili na ng mga gagawin at ng oras ng shooting. Pero si Nora ay walang kaarte-arteng tinanggap ang nasabing project.

Masuwerte rin si Jo Berry dahil bida na agad siya kahit wala pa siyang masyadong experience sa pag-arte.

Alden lumabas ang pagiging barako

Sa pag-iiba ng imahe ni Alden Richards na mula sa pagpapa-cute ay naging barako na, pinatunayan niyang kaya rin niyang mag-iba ng role sa pamamagitan ng serye niyang Victor Magtanggol kung saan kasama rin niya ang mga de kalidad na artista.

Lalong nahasa ang galing niya sa pag-arte, lalo na kapag fight scenes na.

Sa kabila ng mga pambabatikos sa kanya at sa nasabing serye, marami pa rin ang sumuporta dito, kasama na rin si Maine Mendoza na nangunguna pa sa pagpo-promote ng Victor Magtanggol.

Sana balang araw ay magtambal ulit ang tinaguriang phenomenal love team.

Empoy nasayang ang career

Dapat ay maging maingat na si Empoy Marquez sa mga tinatanggap niyang role o projects. Paano ba naman kasi, umingay na ang pangalan niya noon dahil sa tambalan nila ni Alessandra de Rossi na Alempoy na nagsimula sa pelikula nilang Kita Kita. Akala ng lahat ay doon na sisikat ng husto si Empoy, pero nang masundan ng  pelikulang The Barker, hindi na ito kumita. Balik na naman sa dati ang career niya.

Ganunpaman, napasama pa rin siya sa serye nina Arci Muñoz at Piolo Pascual na Since I Found You. At ngayon nga ay may pelikula na naman siya, ang Kusina Kingskasama si Zanjoe Marudo. Pero parang maging ito ay semplang din sa takilya.

Sayang Empoy.

Personal…

Happy birthday to Barbie Forteza.

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with