^

Pang Movies

Anne itutuloy na ang naudlot na honeymoon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Anne itutuloy na ang naudlot na honeymoon
Anne

Ang ganda ng 21st anniversary celebration ni Anne Curtis sa showbiz dahil dalawang malaking movies ang nagawa niya this year, ang Sid & Aya (Not A Love Story) at sa August 1, ang pinag-uusapang action movie niyang BuyBust na pawang magagandang reviews ang natatanggap.

 

Kababalik lamang ni Anne mula sa pag-attend ng world premiere ng movie sa New York Asian Film Festival kasama sina Brandon Vera, Direk Erik Matti at Dondon Monteverde. Tumuloy pa sila sa South Korea para mag-attend din ng showing doon ng BuyBust. Nabigyan na rin ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Sa August din ang final concert na niyang Anne Kulit: Promise Last Na ‘To sa Araneta Coliseum. At promise ni Anne, na after ng concert, itutuloy na nila ng husband na si Erwan Heussaff ang kanilang honeymoon.

Pagbalik ng bansa, itutuloy pa rin ni Anne ang pagho-host sa It’s Showtime at bibigyan niya ng time ang ginawa nilang movie na Aurora na kinunan nila ang kabuuan sa Batanes Island at entry ng Viva Films sa coming Metro Manila Film Festival 2018.

Coney napa-BBoom BBoom kasama si Alden

Nagulat si Pasig City Councilor Vico Sotto nang makita ang mommy niyang si Coney Reyes na sumasayaw ng number one dance craze ngayon na BBoom BBoom ng Momoland.

Post ni Coun. Vico: “Why is Mama doing the BBoom BBoom? MOMOLAND goes MAMALAND. Wow wow! #Victor Magtanggol.”

Kuha ang pagsayaw ni Ms. Coney Reyes habang naghihintay ang buong cast ng pictorial ng kanilang action-drama-fantasy na Victor Magtanggol. 

Nagkatuwaan sila na sumayaw sa tune ng Superhero Mo na kinanta nina Alden Richards at Ex-B at official soundtrack ng telefantasya gamit ang steps ng nasabing dance craze.

Pinangunahan ni Alden ang pagsayaw, then si Coney nga, ang child star na si Yuan Francisco, Chynna Ortaleza, si Eric Quizon, Andrea Torres, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin, Lindsay de Vera, Reese Tuazon at Pancho Magno.

Umani na ito ang libu-libong likes at shares, natuwa sila na sumasayaw si Coney.

Ang Victor Magtanggol ay mapapanood na simula sa July 30, 2018 sa GMA Telebabad.

Alexander inaalok ng kasal si Maine

Part two na ng episode ni Maine Mendoza sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Gumanap na isang goblin si Gab (Alexander Lee) at nag-promise na tutulungan niya si Laura Patola (Maine) na mabawi ang cap ni Dwen-Ding (Yuan Francisco) para makabalik na ang kanyang kaibigan sa kaharian nila pero matapos mabawi ni Gab ang cap ayaw na itong isoli kay Laura hanggang hindi raw nagpapakasal sa kanya. Magkaroon kaya ng kasalan?

Nag-enjoy si Xander katrabaho si Maine na napaka-down-to-earth daw at masayahin sa set, kahit first time lamang silang nagkakilala. 

Si Alden daw ang madalas niyang makita noong nandito siya at nagti-taping ng My Korean Jagiya. 

Thankful si Xander dahil tinatangkilik ng mga K-Pop fans ang album nilang A x M ng kapwa Korean singer niyang si Marucci. First single nila ang Keep Ya Head Up.

Meanwhile, sa Eat Bulaga mamaya, sina Alden at Maine ang ka-duet ng Broadway Boys at kakantahin nila ang mga songs na mula sa musical play na Grease.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with