^

Pang Movies

Dingdong at Marian ayaw sayangin ang blessings

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Dingdong at Marian ayaw sayangin ang blessings
Dingdong Dantes at Marian Rivera

Pareho nang busy sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kani-kanilang show.

Si Dingdong ay may Amazing Earth, habang si Marian ay may Tadhana, kung saan siya ang host dito, at balitang madadagdagan na yun ng kani-kanilang serye.

At tambak ang endorsement nila.

Pero sa kabila ng pagiging busy ng mag-asawa, sinisigurado pa rin nila na may time sila with Baby Zia. Sinasamantala lang daw nila ang opportunities dahil in demand sila at nagkataon lang daw na may mga magagandang offer sa kanila sa TV at movies kay Dingdong kaya very thankful daw sila sa lahat ng blessings na natatanggap nila.

Jackie, Kobe at Andre, binaon na sa limot ang mga nangyari

Maraming natuwa nang mabuo ang nagkahiwalay na mag-iinang Jackie Forster, Andre Paras, at ang bunsong si Kobe Paras. Kay tagal nilang hindi nagkasama-sama.

Si Jackie Forster ay isang aktres na dating asawa ni Benjie Paras. Kinasal sila noong 1994 ngunit nagkahiwalay noong 2001, and then they were annulled noong 2003 at kay Benjie napunta ang full custody ng dalawa.

Anyway, ‘wag na natin kalkalin ang dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa. Sa mga nakaraang interview kasi nina Andre at Kobe, paulit-ulit nilang tinatanggihan ang kanilang ina pero kamakailan ay nag-reach out na rin sila.

Panay na nga ang post ni Jackie sa kanyang Instagram account ng mga pictures ni Kobe with the hashtag #proudmama.

Hirap ng mga bata sa pag-aaral kinalkal ng I-Witness

Nakakalungkot ang napanood kong episode ng I-Witness na pinamagatang Tiempo Muerto, documented by Atom Araullo.

Tungkol ito sa mga magsasaka at mga manananim ng tubo sa Batangas. Napakaliit nang kinikita nila sa isang araw, pagkatapos nila sa pagtatanim at naani na ang tubo, wala na silang trabaho. Pero saludo ako sa dalawang binatang anak ng magsasaka dahil kahit hirap sa buhay pinilit talaga nilang makapag-aral. Kung minsan nga raw pumapasok sila ng eskwelahan ng walang laman ang tiyan, makapag-aral lang.

Maiiyak ka lalo na kay Toper na sa kakaunting kinikita ay naghuhulog pa sa motorcycle na inutang kasi napakalayo ng school sa baryo na tinitirahan niya.

Kaangkas niya ang isa pang anak na halos hindi makabili ng kanin at ulam. Sana matulungan ng gobyerno natin na makapagtapos sila ng pag-aaral at pati na din ang ibang mga batang walang kakayahang makapag-aral. Amen!

Personal…

In behalf of the Philippine Movie Press Club (PMPC) headed by President Joe Barrameda, kasama na ang aking pamilya, our sincere condolences to Tessie Celestino-Howard & her family sa pagpanaw ng kanyang husband, Tito Jun   na si Jose Howard who died June 30, 2:00 PM.

Nakaburol ang kanyang labi sa Arlington Chapel, Araneta Ave. at sa July 10, Tuesday after ng morning mass, ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park, Parañaque. Si Tessie Celestino po ang producer ng Star Awards for Movies, TV, and Music for so many years at katuwang niya ang Tito Jun. Eternal rest grant unto him, oh Lord, may he rest in peace! Amen!

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with