^

Pang Movies

Ella at Julian buking na!

Gorgy Rula - Pang-masa

PIK: Ngayong araw na magsisimula ang International Marching Band Competition na first time na gagawin sa ating bansa.

Ang lungsod ng Bacoor ang nag-host nito na personal na inaasikaso ni Mayor Lani Mercado-Revilla, sa tulong din ng sister-city na Maynila ni Mayor Joseph Estrada naman.

Labing-isang bansa ang sasali at ang tantiya ni Mayor Lani, mahigit 600 participants ang dadalo kaya talagang sobrang higpit ang security.

Sabi nga ni Mayor Lani, parang mala-APEC daw ang security nito dahil sa rami ng mga taga-ibang bansa na bahagi ng bandang kalahok sa naturang competition.

Bukod sa 11 countries na sasali, may 23 marching bands mula sa iba’t ibang probinsya para mag-perform.

Tatlong araw ang naturang event at sa pang­huling araw nito sa Linggo, June 24 ay gaganapin ang awarding ceremony sa SM MOA Arena na dadaluhan ni Pres. Rodrigo Duterte.

PAK: Kawawa naman itong si magandang aktres na hindi na talaga naa­lis ang imahe niyang matengera.

Gumaganda pa naman ang career nito ngayon pero tuwing pinag-uusapan siya, bumabalik ang isyung siya ang pinagbibintangan sa mga nawawalang gamit sa dressing room nung may show pa siya sa pinanggalingang network.

Kuwento ng isang kilalang comedienne, nagulat na lang daw siya nang nakita nyang suot nitong aktres ang belt niyang nawawala.

Sure na sure siyang kanya dahil tanda pa raw niya ang butas sa belt na halatang pako ang ipinambutas.

Siya na lang daw ang nahiyang sitahin si aktres na parang wala lang na suot nito ang belt niya.

May isang insidente rin daw na merong nawalang cellphone sa dressing room na iyun, at ang tanging pinagbintangang pumitik ay itong si magandang aktres.

Sana magkalakas-loob kaming itanong ito sa kanya kapag makatsikahan namin siya uli. Para naman mabigyan din siya ng chance na maipagtanggol ang sarili.

Baka mamaya, hindi naman pala siya ang kumuha, unfair namang meron na siyang ganung reputasyon.

BOOM: Mapapanood na ang pelikulang Cry No  Fear nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, na nagbukas kamakalawa lang na gusto kong pano­orin dahil magaling ang direktor na si Richard Somes. Forte ni direk Somes ang suspense kaya baka maganda nga ito.

Sana magkaroon ng word of mouth para bumawi ito sa weekend.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang promo nina Ella at Donnalyn.

Nasa Tonight with Boy Abunda sila nung nakaraang Miyerkules ng gabi at nabuking tuloy si Ella na sila na pala ni Julian Trono.

Kinikilig-kilig pa si Ella na inaming sila na ni Julian.

Nakakatuwa ring malaman na ngayon pa lang ay meron na pala silang sinimulang negosyo.

May Events Place sina Ella sa Bulacan, at si Donnalyn naman ay may negosyong hair extension na bentang-benta sa mga kababaihan.

                                                                                       

vuukle comment

LANI MERCADO-REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with