^

Pang Movies

Direk Joey nakitaan ng kakaibang eagerness sina Elmo, Kiko, Donny at Jerome

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Direk Joey nakitaan ng kakaibang eagerness sina Elmo, Kiko, Donny at Jerome
Direk Joey Reyes

Gustong ipamulat ni direk Joey Reyes sa mga kabataan ngayon na tama o mali man ang action na ginawa nila eh maging accountable sila rito. ‘Yan ang gustong mensahe ng premyadong director sa latest barkada movie niyang Walwal na pinagbibidahan nina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pa­ngi­linan at Jerome Ponce.

Bagong version man ito ng hit movie niya noon na Pare Ko, naging dahilan ang pagtuturo niya ng mga kabataan sa La Salle para magkasundu-sundo sila ng apat niyang bida.

“Kaya naiintindihan ko ang mga bata. Madali kasing manghusga ng ginagawa ng mga bata. Ako iniitindi ko ang mga bata,” rason niya.

Ibang-iba raw ang Walwal kumpara sa Pare Ko.

“Iba naman kasi ang mga problema noon. It was simpler twenty years ago. Walang social media. Kids don’t go into depression. Kids don’t kill themselves. Competition was less.

“Now, it’s so confusing. Kawawa ang mga bata. Naghahanap sila ng mga batang magga-guide sa kanila.

“Nu’ng kapanahunan nila Jomari (Yllana), magulo ang mundo noon. Hindi kasing gulo ngayon at makikita mo ‘yan sa issues na tinalakay namin sa movie,” rason ng director.

Pagdating naman sa apat niyang young actors na bidang sina Elmo, Kiko, Jerome at Donny, nakitaan niya ng eagerness ang apat sa pag-aartista.

“Hindi sila napilitang mag-artista. Gusto talaga nilang maging artista!” bulalas pa ng director.

Kylie napili para kay Ruru

Nakalalamang sa netizens si Ruru Madrid sa isinasagawang poll sa next leading man ni Kylie Padilla. Sumalang na sa nakaraang episode ng Lip Synch Battle Philippines si Kylie at bumalik na ang dati niyang pi­gura matapos manganak sa baby nila ni Aljur Abrenica.

Out na siyempre si Aljur sa listahan dahil lumayas na siya sa GMA. Eh sa buma-back up kay Ruru, fresh na fresh pa sa manonood ang naging chemistry nila sa Encantadia, huh!

Ang iba pang mga hopeful sa listahan ay sina Martin del Rosario, That’s My Bae Kenneth Earl Medrano, Enrico Cuenca at Rocco Nacino.

Eh, goodbye na rin naman si Ruru sa ka-love­team na si Gabbi Garcia kaya wala nang sagabal para pumareha siya sa ibang aktres, huh!

vuukle comment

JOEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with