^

Pang Movies

Momshie Karla at Momshie Melai, nagpasaya ng 100 pamilya

Pang-masa
Momshie Karla at Momshie Melai, nagpasaya ng 100 pamilya

MANILA, Philippines — Isang masayang family day ang pinagsaluhan ng 100 na pamilya sa pangunguna nina Karla Estrada at Melai Cantiveros noong Sabado sa ginanap na Magandang Buhay Fam Day sa Rave Park sa Pasig bilang bahagi pa rin ng ikalawang taong pagdiriwang ng hit morning talk show.

Nagsimula ang kaganapan sa pa-Zumba na nilahukan nina Kisses Delavin at Isabela Vinzon kasama ang kanilang popshies at momshies. Sinundan ito ng family run at parlor games na sinamahan naman nina DJ Jhai Ho at Alora Sasam bilang hosts.

Hindi pa nagtapos diyan ang mga sorpresa dahil namigay din sila ng t-shirts at nagpa-raffle ng O Shopping items at ABS-CBN TVplus boxes.

Sa loob ng dalawang taon ay patuloy na nagbabahagi ng good vibes at magagandang aral ang Magandang Buhay sa mga manonood. Hindi lang ito nagbibigay aliw, nagbibigay din ng mahahalagang aral o pulot for the day tulad ng pagiging masipag, pagpupursige sa buhay, pagiging positibo, at pagmamahal sa pamilya.

Panoorin ang buong kaganapan sa episode ng Magandang Buhay ngayong Miyerkules, 8 AM sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

vuukle comment

MAGANDANG BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with