^

Pang Movies

Inigo susubukan kung papatok kay Maris

Veronica Samio - Pang-masa
Inigo susubukan kung papatok kay Maris
Inigo Pascual

MANILA, Philippines — Maging matagumpay kaya si Inigo Pascual sa pakikitambal sa real girlfriend niya na si Maris Racal? Hindi naging matagumpay ang pagpapareha sa kanila ni Sofia Andres sa unang movie niya. Maswerte na lamang siya dahil binigyan siya ng second chance ng Spring Films ng ama niyang si Piolo Pascual at N2 Productions ni Neil Arce na ang magdidirek for the first time ay si Boy 2 Quizon.

Mahirap nga lamang makabisa at matandaan ang titulo ng movie nila na I’m Ellenya L.

Empoy tatapatan ni Pepe

Hindi pa man nasisimulan ang pagli-leading man ni Pepe Herrera sa Hopeful Romantic katambal ni Ritz Azul ay marami na ang magsasabing mukhang mababawasan na ang mga proyekto na magagawa ni Empoy Marquez dahil bagay din sa nagbabalik na komedyante ang mga role na ginagampanan ng ngayon ay tinatawag na “Breakthrough Actor”.

‘Yun nga lang, marami pang kailangang patunayan si Pepe lalo na sa box-office para mapantayan si Empoy. Sisimulan niya ito sa Hopeful Romantic na kung ibabase sa titulo ay mahihinuhang isang love story. Kailangan lamang ay swertihin siya na magkaroon ng chemistry kay Ritz, at saka lamang niya masisimulan ang laban niya kay Empoy na malayo na ang naaabot.

Janella yumuko sa ina

Maganda ‘yung ginawang pagyuko ni Janella Salvador sa kanyang inang si Jenine Desiderio. Mas minahal siya ng netizen na naniniwala sa kulturang Pinoy na anumang kasalanan ng magulang, dapat ang mga anak ang laging nagpaparaya. Hindi nagawang lagyan ni Jenine ng kanegahan ang promosyon ng So Connected na hindi ang kagalit niyang si Elmo Magalona ang kapareha ng kanyang anak kundi si Jameson Blake.

Tingnan na lamang natin kung mauuwi sa box-office ang pananahimik niya.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with