^

Pang Movies

Tito sen hindi iiwan ang Bulaga kahit presidente na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tito sen hindi iiwan ang Bulaga kahit presidente na?!
Sotto

Minsan nang nagkaroon ng artistang presidente ang Pilipinas, pero ngayon lamang nagkaroon ng isang artistang presidente ng senado.

Senate President na nga ngayon si Tito Sotto.

Si Tito Sen ay inendorso ng majority block. Hindi naman iyan tinutulan ng dating presidente ng senado na si Koko Pimentel, at sinabi niyang welcome change iyon.

May mga informant kami na nagsabing kaya raw si Sotto ang napili ng mayorya ay dahil agresibo siya sa pagtatanggol sa mga karapatan ng senado, at gusto ng ibang mga senador ng isang mas agresibong lider.

Tiyak na may babanat na naman sa desisyong iyan at sasabihing isang komedyante ang presidente ng Senado. Pero kung titingnan ninyo ang service record ni Senador Sotto simula nang maging vice mayor siya hanggang ngayon, masasabi siya ay pinaka-kuwalipikado, bukod nga sa katotohanang siya ang pinaka-senior na miyembro ng senado.

Pero may nagtatanong nga, ngayon daw bang presidente na ng Senado si Tito Sen, lalabas pa raw kaya siya sa Eat Bulaga? Pero kung kami ang tatanungin, lumitaw man si Tito Sen sa Eat Bulaga ay wala naman sigurong problema. Ang Eat Bulaga ay hindi na isang show lamang para sa kanila, parang isang pamilya na sila. Isipin naman ninyo kung gaano na katagal si Tito Sen sa show, at sigurado mami-miss din naman niya ang magpunta roon kahit na paminsan-minsan.

Kahit naman noon eh, kung may mahahabang sesyon ang senado, o kaya ay may mahahalagang imbestigasyong ginagawa, hindi naman umaalis sa senado si Tito Sen para magpunta sa noontime show. Kung aalis naman si Tito Sen sa Eat Bulaga, wala na ang TVJ (Tito, Vic and Joey) na siyang haligi talaga ng show. Kaya siguro naman kahit paminsan-minsan, dapat mapanood pa rin siya sa show.

Diego naging kontrobersiyal sa throwback photo!

Mukhang tuluyang napikon si Diego Loyzaga dahil doon sa mga banat sa kanyang throwback picture lang naman na lumabas sa social media na kung saan nasa Boracay siya. Siguro medyo mainit ang mga tao dahil sa tatay niyang si Cesar Montano na isang opisyal nga ng Department of Tourism, na involved din naman sa nangyayari sa Boracay.

Nakasabay din iyon ng panahon na ligung-ligo sa mga batikos si Montano dahil sa kanyang 80 mil­yong Buhay Carinderia project, na kinakitaan ng anomalya.

Kung hindi nga siguro sa ganoong sitwasyon, walang papansin kahit na lumabas ang pictures na iyon sa Boracay. Hindi maikakailang nahaluan na iyon ng kulay pulitika.

Nag-aartista kasi si Diego. Natural na lahat ng kilos niya papansinin. Hindi siya dapat napipikon sa mga ganyang bagay dahil kung aabutin siyang lagi ng pagkapikon maaapektuhan ang kanyang career.

Aktor pinatalsik sa binabayarang condo, benefactor hindi na sumipot

Ikinandado na raw ang condo unit ng isang male star dahil bukod sa hindi siya nakakabayad ng amortization niya sa bangko, hindi rin daw binabayaran ang association dues sa condo.

Nangyari raw naman iyan simula nang hindi na rin sumisipot sa condo ang sinasabing benefactor ng male star. Ang balita pa, naghahanap na raw ngayon ang male star ng isang mas murang apartment.

Kawawa naman

vuukle comment

EAT BULAGA

VICENTE SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with