^

Pang Movies

Korina, nagulat nang kumalat ang pagiging ninang sa anak ni James

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Korina, nagulat nang kumalat ang pagiging ninang sa anak ni James
Korina

Nagulat si Korina Sanchez dahil nalaman ng publiko ang kanyang sagot na tatanggapin niya kapag kinuha siya na ninang ng coming soon na baby daughter ni James Yap.

Hindi kasi expected ni Mama Koring na mapa-publish ang conversation namin sa kanya ni Papa Ricky Lo nang magkita kami noong Martes sa harap ng building ng Manila House pagkatapos ng birthday treat sa amin nina Hayden Kho, Jr. at Dra.Vicki Belo.

Cute ang sagot ni Mama Koring kaya wala akong ma-feel na reason para intrigahin ang sagot niya.

Saka may matandang kasabihan na bawal tumanggi kapag kinukuha na ninong o ninang sa mga binyag at kasal di ba?

Walang dapat ika-worry si Mama Koring dahil positive naman ang halos lahat ng mga comment tungkol sa sagot niya at marami pa rin ang inggit na inggit sa kanyang itsura na pabata nang pabata.

Intimidating ang image ni Mama Koring pero sa true lang, isa siya sa mga pinaka-thoughtful na tao na nakilala ko dahil bigla akong nakakatanggap ng crabs at masasarap na ensaymada mula sa kanya. Thank you Mama Koring!

Gladys at Barbie may bangayan

Isinulat ko sa column ko sa PSN (Pilipino Star NGAYON) na baka hindi makahabol si Gladys Reyes sa presscon kahapon ng Inday Will Always Love You dahil nagpunta siya sa French embassy para kunin ang passport ng kanyang mga anak.

Daay, nakarating si Gladys sa presscon ng primetime show ng GMA 7 na mag-uumpisa sa May 21 at kahit hindi niya gusto, nagkaroon siya ng grand entrance.

Kontrabida uli ang role ni Gladys sa Inday Will Always Love You pero hindi basta kontrabida dahil talagang nakakaloka ang mga fight scene nila ni Barbie Forteza na ipinakita sa trailer.

Kung maldita at kontrabida ang role ni Gladys, love na love ito ng buong cast ng Inday Will Always Love You dahil mabait at mahusay siya na makisama.

Feel na feel ng cast at ng production staff kapag wala si Gladys dahil tahimik na tahimik sa set nila. Nasanay na kasi sila sa non-stop chika ni Gladys kapag may taping ito para sa kanilang coming soon primetime soap sa Kapuso Network.

Derrick at Barbie, makakatrabaho ang mga sikat na artista noong 80’s

Ang pagbabalik ng mga sikat na artista noong ‘80’s ang uso ngayon dahil active na uli sina Maricel Soriano, Snooky Serna, Gabby Concepcion, Cherie Gil at marami pang iba.

Mga ‘80’s star din ang nakita ko kahapon sa presscon ng Inday Will Always Love You, sina Ricky Davao, Manilyn Reynes at Tina Paner.

Sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza ang lead stars ng Inday Will Always Love You at lucky ang dalawa dahil mababait na katrabaho sina Ricky, Manilyn, Tina at Gladys.

Touched na touched nga si Barbie sa mga papuri sa kanya ni Ricky na tinawag siya na role model actress dahil sa professionalism at sipag niya.

Parang nagkaroon ng tribute si Ricky kay Barbie na totoo naman na isa sa mga pinakamabait at masipag na aktres ng henerasyon niya.

Talented din si Barbie dahil puwede siya sa drama, comedy at action.

Kinunan sa Cebu City ang mga eksena ng Inday Will Always Love You kaya mapapanood dito ang dinarayo at katakam-takam na lechon.

May pa-lechon nga kahapon sa mala-fiesta na presscon ng upcoming primetime teleserye ng GMA 7.

 

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with