^

Pang Movies

Isang parte ng puso ni Gary V. tinututukan pa rin ng mga dok

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Isang parte ng puso ni Gary V. tinututukan pa rin ng mga dok
Gary V

Day 2 matapos ang open-heart by-pass surgery ni Gary Valenciano, nagbigay ng update si Mr. Pure Energy sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya kahapon sa Instagram.

Ayon kay Gary V. ay nasa hospital pa siya but he’s doing okay.

“Still some way to go til I get back to tip top shape. To all who have prayed for me I thank you from the bottom of this new heart of mine. God bless you you more. Ok time fir (for) me to rest again k?” ang caption ni Gary V. sa kanyang video.

Sa video ay ina-assure ni Gary ang lahat that he’s okay and one of these days ay babalik na rin sa trabaho.

“Hi everyone, I’m okay. I’m here in the hospital pa rin, recuperating. I did have a major bypass. But I’m getting better, day by day.

“And one of these days, babalik din ako sa ASAP, babalik din ako sa Your Face Sounds Familiar, and Tawag ng Tanghalan. Paminsan-minsan, siguro mag-a-absent pa rin ako just to make sure that I’m in good shape.

“But the doctors are very satisfied with all how it turned out. My heart is actually in very good condition, dun lang, dun lang sa isang part na medyo delikado talaga.

“But I’m here, I’m okay, I love you all. And I’m thankful that God has given me so many people that have shared their love with me and I will see you soon.

“Don’t worry na, I’ll be okay. Pure Energy uli. God bless,” ang pahayag ni Gary sa video.

Ian cool na cool pag nasa stage

Aksidente lang pala ang pagkakapasok ni Ian Veneracion sa showbusiness many years ago noong bata pa siya. Ni wala raw siyang kainte-intensyon na mag-artista at ni wala nga raw artista sa pamilya nila kahit isa.

“Sinundo ko ‘yung tita ko, meron silang presentation, rehearsal or something, sinundo ko lang, nakita ako ng direktor, si Leo Real, sabi niya, ‘hey, this is the kid we’re looking for. Can we ask your parents if you can play Sto. Niño?’ So they asked my parents, and after that, it’s a one-night show, it’s a one-night thing, it’s a Christmas pre­sentation, so okay,” kwento ni Ian V. sa pocket presscon for his Ian In 3 Acts featuring LA Santos concert na gaganapin sa May 13, 8pm sa Resorts World Manila.

Kaya sey niya, ang unang-unang role niyang natutunan ay Sto. Niño.

Pagkatapos nu’n ay tumawag daw ulit ang na­sabing direktor para naman alukin siya for Joey and Son, ang unang-unang show niya with Joey de Leon kung saan siya talaga unang nakilala. He was 5 years old then.

Since then ay hindi na tumigil sa pag-aartista si Ian na nalinya na sa pag-arte at sa tinagal-tagal, ngayon lang siya nabigyan ng oportunidad sa pagkanta.

Bihira nga ang nakakaalam na may talent din pala sa singing si Ian. Kahit kami ay napatunayan namin ito nang manood kami ng Petmalu concert ni LA Santos kung saan ay isa ang aktor sa guests. He can sing, really at napaka-cool niya when he performs. Astig, kung baga.

Si Flor Santos ng Dreamwings Productions at nanay ni LA ang nagbigay sa kanya ng first ever concert na unang ginanap sa Waterfront Hotel sa Cebu noong April 21. It was a big success at ani Ian ay sobrang nag-enjoy siya sa show.

Ngayon ay dinala naman ito ng Dreamwings sa Manila at may posibilidad na dalhin din ito internationally.

 

 

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with