^

Pang Movies

Julie Anne? raratsada na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Julie Anne? raratsada na?!
Julie Anne San Jose

Huhusgahan na ngayon si Julie Anne San Jose at ang kanyang two new leading men na sina Gil Cuerva at Kiko Estrada sa pagsisimula ng romantic-musical-comedy series na My Guitar Princess. Pero ang mga fans, may kani-kaniya nang manok kina Gil at Kiko kung sino ang bagay na makakatuluyan ni Julie Anne as Celina na mahusay kumanta at tumugtog ng gitara.

Si Gil ay isang balikbayan singer at kilala bilang Prince Charming of Pop na childhood friend ni Celina. Si Kiko naman ay si Justin at confidante ni Celina na nakakaalam ng tungkol sa pagkanta niya, lingid sa inang si Adele (Sheryl Cruz) na ayaw siyang maging singer.

Thankful si Julie Anne na binigyan siya ng ganitong serye na akma sa kanyang pagiging isang singer at mahusay tumugtog ng gitara na noon pa niya pinag-aralan.

Except for some dramatic scenes sa pagitan ng mag-inang Adele at Celina, very light ang serye na tatampukan din ng mga pasaway na sisters ni Justin, sina Taylor (Isabelle de Leon) at Katy (Jazz Ocampo), kaya masaya sila sa taping, kapag break, nagkakantahan lamang sila sa tent nila.

Sa direksyon ni Nick Olanka, kasama rin sa cast sina Kier Legaspi, Marc Abaya, Ralf King of One Up, Frank Garcia, Maey Bautista, na mapapanood na mamaya at 11:30am bago ang Eat Bulaga.

Gelli, ‘di mapakali sa network

Freelancer na ba ang actress na si Gelli de Belen? Matapos lumipat sa ABS-CBN at nakagawa ng isang teleserye, wala na kaming alam na kasunod ng una niyang project sa Kapamilya network.

Last Saturday, napanood si Gelli sa pagganap niya sa isang episode ng Tadhana ang drama anthology hosted by Marian Ri­vera na mga true stories tungkol sa ating mga OFWs na nagtatrabaho sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Bumalik kaya ulit si Gelli sa GMA ngayong ang best friend na si Carmina Villarroel ay nasa Kapuso na at ilan beses nang nai-extend ang teleserye nitong Kambal Karibal? Although ang kapatid ni Gelli na si Janice de Belen naman ay bumalik sa ABS-CBN dahil may gagawin siyang teleserye with Angel Locsin, Ryza Cenon at Ms. Maricel Soriano.

Tom, totoo ang galit at luha

Affected nga ba si Tom Rodriguez sa character niya as Greg Sandoval sa pinag-uusapang epidemicserye na The Cure ng GMA 7?

Hindi siguro maiiwasan na maka-relate si Tom sa nakikita niyang paghihirap ng ina niya sa serye (Irma Adlawan), matapos niyang turukan ng ninakaw niyang gamot sa kanilang laboratory na wala pang pahintulot na gamitin sa tao ay lalong tumindi ang paghihirap ng ina hanggang sa mangagat na siya ng kapwa tao niya at kumalat ang rabies.

Hindi nga pwedeng hindi maka-relate si Tom dahil namatay sa lung cancer ang kanyang ama a year ago. Kaya iyong galit at pag-iyak niya sa mga eksena ay alam mong tunay na emosyon ni Tom. Very supportive naman sa katambal si Jennylyn Mercado na gumaganap niyang asawa. Don’t miss gabi-gabi ang The Cure after ng 24 Oras.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with