^

Pang Movies

Edward may pa-concert, ginaya si Maymay

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Parang kailan lang nang pumasok si Edward Barbers sa Pinoy Big Brother na aminadong hindi siya marunong umarte, sumayaw, kumanta, at mag-host. 

Ngayon ay marami ang natutuwa dahil confident na si Edward na humarap sa kamera. Panay ang “thank you” ni Edward sa Kapamilya Network at sa mga mentor niya na nag-push sa career nito upang mailabas ang kanyang mga talent hindi lang sa pag-arte, kung hindi maging sa singing and dancing.

Masusubukan ang pagsabak ni Edward sa kanyang unang concert na may title na Captain Barber sa May 4, 2018 sa SM North Edsa Skydome. Siyempre, walang ibang special guest kundi si Maymay Entrata.

Kinakantiyawan si Edward na ginaya niya si Maymay sa gagawin nitong event. Mukhang hindi naman mahihirapan ang young performer dahil super love rin siya ng fans nito na tiyak na susuportahan siya.

May paandar pa ang show ni Edward na magsuot ng kanilang paboritong superhero na costume ang mga dadalo, bilang ito ang title ng kanyang concert.

Aminado si Edward na lahat ay maituturing na superhero sa kanilang trabaho, pamilya, at mundong ginagalawan ng mga tao.

vuukle comment

EDWARD BARBERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with